Kabanata Syam

292 22 7
                                    

Bigla akong napatalikod... ano ba yan Mira? Bakit ang sikip ng dibdib ko? Nagmadali akong magtago sa pader. Ayokong isipin nya na nageavesdrop ako sa usapan nila


Humugot ko ng hininga, ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. "Mira?" biglang may nagsalita, si Aldrin. "N-Nandyan ka pala?" tanong ko. Ugh, nauutal na naman ako.


"Bakit?" tanong nya. Natataranta na naman ako. "Uh, ano kase... Kanina pa kita hinahanap. Kakain na raw"


"Talaga? Gutom na rin ako, tara?" Tumango ako, nauna na ko maglakad.


Ano naman kung may girlfriend sya? Ano naman Mira?



Nang sumapit ang alas dos ng hapon, nagsisimula nang dumating ang mga bisita. Sila yung mga sponsors, yung iba naman mga myembro ng mga social service organizations. Syempre yung mga bata, nakabihis na rin ng princes, princesses, fairies costumes nila.


Si Makoy naka pirate outfit pa nga.


Tumawag na si Miss Kyla, sya yung president ng organization na nag-aalaga sa mga batang katulad ni Tina. Papunta na raw sila.


Syempre nakaready na nag mga hosts. Si Paulo na bihis na bihis at naka tuxedo pa na at si Karen na dalang dala ang white dress nya.


Sa hosting talagang nakakaentertain ang mga banat ni Paulo, samantalng si Karen naman CommArts student sya kaya bet na bet din nya ang pagiging MC.


"Mira," biglang may tumawag sakin. Pagharap ko, biglang may nagflash.


"Huy Aldrin! Ano ba yan? Burahin mo nga!" Kinunan kasi ako paglingon ko. "Okay ka naman dito ah." Nakatingin sya sa kuha nya. "Burahin mo sabi e!" Inaagaw ko sakanya yung camera pero mas malaki sya sa akin kaya di ko makuha.


"Para kang timang!" naiinis na sabi ko. Ngumisi lang sya. Wag mo ko nginingitian ng ganyan Aldrin. Hindi na nakakatuwa yung epekto mo sa sistema ko.


Nakita ko si Lola na paparating, "Hijo di ka ba magbibihis? Mamaya darating ang mga bisita, mas okay sana kung kayo kayo nila Mira pati nila Arlyn yung mag-aasikaso sa mga bisita. Kaso sa suot mo..." tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Aldrin. "Mejo mukha kang gusgusin"


Si Lola talaga! Sa bagay kasi kami naman nakapaligo na kanina after kumain. Mas presentable naman talaga compared sa outfit nya.


"Ah, ganon po ba." Tiningnan ni Aldrin ang suot nya. Nakasando lang pala sya at shorts. Pawis na pawis sya. Pero bakit amoy baby pa rin?


MIRA.


Okay, ito na nga o. Di ko na titigan. Ito na nga e.


"Sige po, uuwi nalang ako" Paalam nya. Tiningnan nya yung gilid ng gate. "Yung bike ko dun ko lang sinandal, wala na don." Nagtatakang sabi nya. "Si Makoy, sabi nya hihiramin daw nya." Dugtong pa nya.

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now