Kabanata Anim

297 22 3
                                    

"Teorya ng Tore ng Babel. Ayon sa teoryang ito, nagkaiba iba ang lenggwahe ng mga tao dahil sa pagtatayo nila ng isang tore na ang layunin ay makaabot sa langit. Nagalit ang Dyos dahil sa hangal na layunin kaya binago nya ang pananalita ng bawat isa upang hindi magkaintindihan"


Nakaupo ako at nakikinig sa pagpapaliwanag ni KC. Ngayon na yung reporting namin. Ang usapan namin, alternate kami ng explanation bawat topic. After nya, ako na naman. Last topic na ako.


Nagpatuloy sya sa pageexplain nang mahagip ng paningin ko ang transparent na salamin sa pintuan. Parang nakita ko si Aldrin na nakasilip.


Binalikan ko yun ng tingin.


Wala naman. Napailing ako, ano ano na nakikita mo Mira.


Senyasan na ko ni KC na turn ko na sa reporting. Tumayo ako hawak ang papel na magsisilbing guide ko sa pagdidiscuss.


I cleared my throat at nagsimula na. "Ang huling teorya ng pinagmulan ng wika ng tao ay ang Teoryang Armaic. Ito umano ang ginamit ng mga sinaunang tao, ang mga Arameans, na nanirahan sa Mesopotamia at Syria."


Muli akong napatingin sa pintuan, nahagip ng mata kong muli ang imahe ni Aldrin na parang nakasilip pero nang balikan ko ng tingin wala naman.


Bigla na namang bumilis ang heat beat ko, ngayon pa ba ko kakabahan kung kelan patapos na? Ugh. Wala naman sya Mira.


"S-Sinasabing itong wika..." nawala sa isip ko ang dapat kong sasabihin ko. Tumingin ako sa hawak kong papel.


Distracted na tuloy ako dahil sa imagination ko. Anubayan.

"Sinasabing itong wika ang ginamit ni Hesukristo at ng kanyang desipulo at ang wikang ito rin ang ginamit sa pagsusulat ng ilang aklat ng Bibliya" natapos ko rin.


Tumayo na si KC sa tabi ko. "Mayron pa bang katanungan tungkol sa ating tinalakay?" tanong nya. Wag na kayong magtaka kung bakit ang lalim ng tagalog so deep even Adele can't roll in ang peg ng pagsasalita namin sa harap.


Kasi required kaming wag magsasalita ng kahit na anong English word as much as possible during the class.


May nagtaas ng kamay. "Sige Karl" sabi ni KC. "Naguguluhan lang ako, ano pinagkaiba ng Teoryang Bow-wow at Teorya ni Darwin kasi parehong sinasabing galing sa hayop ang pagsasalita ng tao."


Tiningnan ako ni KC, ako na ang sumagot. "Sa Teoryang Darwin, sinasabing ginagaya ng mga sinaunang tao ang kilos ng mga hayop samantalang sa teoryang Bow-wow, mga tunog at huni ng hayop ang ginagaya ng tao."


Tumango tango si Karl, "Ah. Ganon pala. Salamat." Sabi nya. "Wala na bang ibang gustong magtanong?" tanong ko.


Wala ng sumasagot.


"Kung gayon, yun lamang po at salamat." Sabi namin.


Labasan na. Hindi agad ako lumabas... sumilip muna ako sa pintuan at tiningnan kung nandun sya. Pero wala. Sabi na e, namamalik mata lang ako.

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now