Kabanata Isa

704 28 4
                                    

Kadalasan, kapag ang isang babae dumaan na sa heart break, nagiging bitter daw. Nagbabago yung idea nila about sa love. Sasabihing parepareho lang lahat ng mga lalaki.


Pero ako? Pagtapos ng isang major break up ko, never akong naging bitter. Oo ilang bwan akong nageemote, pero afterwards naging okay din ako.


Nagawa ko na ulit ngumiti.


Hindi nagbago ang tingin ko sa love. Love is still magical.


Hindi hihinto ang mundo ko sa pag-alis ng isang tao. Siguro nga, masakit maiwan. Pero hindi pa naman yun yung end of the world.


May buhay na ko bago pa sya dumating at kaya kong ipagpatuloy yun after nyang umalis.


"Be! Are you there? Hellooo" nagising ako sa malalim na iniisip ko nang biglang ikaway kaway ni Paulo, or should I say 'Paula' ang kamay nya sa tapat ng mukha ko.


"Oo naman, may sinasabi ka?" tanong ko. "Duh sabi ko andito na tayo!" sabi nya saka ako inirapan sabay baba ng jeep.


Baklang 'to, beastmode na naman.


Pababa na sana ako ng jeep nang biglang... "Aw!" sigaw ko hawak ang noo ko. Nauntog pa ko sa labasan ng jeep.


Tawa ng tawa si Paulo. Walangyang to. "Umiral na naman yang kalampahan mo." Iling iling na sabi nya.


Naiiyak na nga ako e mang-aasar pa. Naglakad na kami papasok sa malaking gate na may mataas na arko na may nakasulat na 'Right Here Waiting For You Cemetery'


Hawak ko pa rin ang noo ko, ang kirot e. Biglang kumapit sakin si Paulo. "Be tingnan mo, ang gwapo o" sabi nya sabay turo sa lalaking makakasalubong namin.


Ang puti. Gwapo nga. "Lalaki ba pinunta mo dito o si Nica?" tanong ko. "Grabe naman 'to." Sabi nya sabay bitaw sakin.


Tiningnan ko ang mukha nya, napansin kong namumula ang mata. Nakadrugs kaya si Kuya? Okay ang judgmental mo Mira.


Nalagpasan na kami ni Kuyang pogi na pinagnanasaan ni Paulo. At syeth, ang bango nya. "I think I'm in love" sabi pa nya na may patirik tirik ang mata habang sinusundan ng tingin si kuyang papalabas na sa arko.


May mga mangilan-ngilan ding tao. Yung iba binibisita yung mga mahal nila sa buhay. Yung iba naman mga batang naglalaro sa puntod.


Si Kuyang Supulturero ang naabutan namin sa tapat ng puntod na sadya namin. "Wow ang linis ah, ikaw ba kuya nagdamo sa paligid ni Besty?" tanong ko.


Umiling iling sya, "Hindi ako, yung huling dumalaw dito." Sabi nya. May nakaturok na kandila, may flowers din sa gilid, baka sila tita yung dumalaw.


Umalis na si Kuyang Supulturero. Naupo ako sa damuhan, kasama si Paulo. "Be ano chika? Happy ka naman jan?" sabi ni Paulo habang nakatingin sa lapida.

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now