Kabanata Labingpito

133 10 1
                                    

Note: Gustong gusto ko mag-update kaso talagang di kaya ng sched ko. Sobrang tagal na pala Nov. was my last update. I dont think may nagbabasa pa bt yeah, whatever. I wanna finish this story. Hahaha. Hay. So here :)

Idinilat ko ang mga mata ko. "okay ka lang sister?" tanong sakin ni Remcie. Dahan dahan akong tumango, "Pinagpapawisan ka" sabi pa nya.

Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Panaginip lang pala.

Panaginip. Isang bangungot.

"Here we go! Nandito na tayo brothers and sisters! Thanks God we safely arrived here" masayang sabi ni Jhim habang nakatayo sa aisle. Napatingin ako sa bintana, nandito na nga kami.

Nagmamadali akong lumabas. Nakahinto na rin ang dalawa pang mga bus. Isa-isa kong tiningnan ang mga lumalabas na mga kabataan.

Pero naubos na lahat, wala pa rin si Aldrin. Luminga-linga ako, nasan 'yon? Pumasok ako sa bus 1, wala sya. Pati sa bus 2, wala rin.

Bigla akong kinabahan.

Pagbaba ko, tinanong ko yung isang taga bus 2, alam ko kasi doon sya sumakay "Kuya, nakita mo ba yung lalaking maputi na kabus nyo? Ano, mga ganto yung height" Tinaas ko ang kamay ko para ipakita ang taas na tinutukoy ko. "Nakabackpack sya, tapos teal blue yung shirt nya"

Don't tell me Aldrin di ka sumakay kanina?

Nag-iisip sya, kinakabahan ako. "Hindi  ko po napansin" sabi nya

Dali dali kong nilabas ang phone ko at dinial ang number nya.

Biglang may nagring sa likod. Napalingon, at nandon sya sa likod. Nakangisi. Sinenyasan pala nya yung pinagtanungan ko na wag syang ituro.

"Bakit mo ba ko hinahanap? Namiss mo ko agad?" Nakangisi sya. "San ka ba galing?!" mabilis na tanong ko.  "Nahilo lang naman ako kanina nung mejo lubak na yung daan kaya lumabas agad ako paghinto" paliwanang nya

Napabuntong hininga ako, "Ingat ka ha" sabi ko sakanya. "Ha?" tanong nya na naguguluhan. "Wala, bundok kasi kaya dapat mag-ingat tayong lahat" sabi ko nalang.

Nabbother ako sa panaginip ko. Bakit ganon?

Nakarating na kami sa bahay na tutuluyan namin. Malaki sya, sobra. Hindi naman sinabi samin ni sister na mansyon talaga ang bahay ng tita nya. Syempre magkahiwalay ang kwarto ng babae sa lalaki. Pero sa case naming mga YFG and CFG organizers, sa iisang kwarto nalang kami tutal kasya naman kami dito at talagang mgkakakilala na kami

Nang makumpleto na ang listahan ng mga names sa bawat kwarto at nailagay na ang mga gamit sa designated rooms, naglunch na kami. May baon kasi kami, si Lola pa nga ang nagluto kahit di sya makakasama dahil kay Makoy at dahil na rin sa negosyo namin.

Nagkaron ng short briefing. Kinollect namin lahat ng gadgets nila. Yes. Bawal ang gadgets. Yun ang isa sa mga purposes ng camping na 'to, yung in few days maranasan nila yung buhay without social media. Yung simple lang.

Hindi kailangang ifacebook from first day to last day, kung talagang ineenjoy hindi mo kailangang sayangin yung oras mo sa pagpopost right away at maghintay ng likes and comments.

Hindi kailangang unahin ang pagkuha ng litrato ng pagkain at ipost sa instagram bago magdasal sa Ama at magpasalamat sa blessings.

Hindi kailangan ng twitter para masabi mo yung nararamdaman mo dahil gusto naming maramdaman mo na may makikinig sayo.

Hindi kailangan ng gadgets para mabuhay. All you need is appreciate the blessings that God gives you. Appreciate the people who truly love you. Appreciate life beyond social media.

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now