Kabanata Dalawampu

58 5 0
                                    

Sorry for the late update. I hope may nagbabasa pa haha last semester has been kinda tough for me. Ngayon lang ulit nakahinga I'll do my  very best to finish the story this year. So here☺



"3 2 1!" Countdown namin at sumiklab na ang malaking apoy. Nagpapalakpakan kami. Pinagpray over namin ang mga bagong myembro ng aming samahan.

Ito na yung pinakaexciting na part ng camping. Bonfire!

Nagsalo salo kami sa boodle fight na nakahanda. Nakapalibot kami sa mahabang table. Actually, apat na mahahabang tables pero hindi naman magkarugtong. Nakapalibot kami sa bonfire. Feel na feel namin ang init ng bonfire mula sa pwesto ng kinakainan namin.

"paabot naman ng water" may nagsalita. Nasa tabi ko lang yung isang bote ng tubig. Kinuha ko yun, "Pakiabot" sabi ko.

Nabigla ako ng si Aldrin ang kumuha. Hindi ko napansin na nasa harap ko pala sya. Wala sya don kanina a. Binalik ko nalang sa pagkain ang atensyon ko.

Nakatalikod sya mula sa sinag ng bonfire, against the light kumbaga pero sa gilid ng mata ko kahit madilim ang mukha nya alam kong tinitingnan nya ko.

Nakakailang.

Binuhos ko nalang sa pagkain ang ilang nararamdaman ko. Dinampot ko yung hotdog kaso... sabay kami.

Pareho kaming mapabitaw. "Sayo na" sabi nya. "Hindi sayo na" sabi ko na hindi sya tinitingnan at dumampot nalang ng ibang ulam.

"Sige sakin nalang thank you mga besh" sabi ni Paulo. Tiningnan ko sya ng masama tapos nakangisi sya. Alam nyang gusto kong kuhanin kaso awkward.

Alam ni Paulo yung sagutan namin ni Aldrin.

Nanadya pa.

"Sister si Brother Steeven ba napansin mo?" Tanong ni Remcie kay Jana.

"Oo bakit?" Sagot nya.

"Wala sya e. Sya pa naman magcclosing prayer"

Nagkatinginan kami ni Jana "Di pa sya bumabalik since bumalik sya sa bahay?" Tanong ko.

Nagkibit balikat si Remcie "Bumalik sya sa bahay?" Tanong nya

Sabay kaming tumango ni Jana. Kanina kasi may kinuha kami sa bahay nung pabalik na kami nakasalubong namin sya.

Ang sabi nya may kukunin lang sya.

Sinabihan namin si Kent about kay Steeven. Pinuntahan namin sya sa bahay.

"Wala sya sa kusina o kahit o kahit sa kwato" hinihingal na sabi ni Kent.

"Wala din sya sa likod bahay" dugtong ni Remcie na kadarating lang

Nakaramdam kami ng kaba. "Nasan sya? Di yun mawawala ng matagal. Alam nya yung protocol na walang lalayo ng walang consent ng iba. Delikado dito pag mag isa" sabi ni tita Beth.

Past 10 na. Nagkakasiyahan sa site dahil di pa nila alam. Nagkasundo kami na tapusin ang celebration at papasukin sila sa loob.

Inexplain namin sakanila ang nangyayari. Ilang CFG at YFG ang pinaiwan namin sa bahay para samahan ang mga participants.

Kasama ko sa maghahanap sa gubat. May mga nagvolunteer din.

"Guys, hawak nyo na mga phones nyo.   Bago tayo maghiwahiwalay make sure na may kasama tayo. 2-3 per team. Ang unang makakita pakicontact agad ako" paliwanag ni Jhim

May kanya kanya kami flashlight.

"Here, dalin nyo" sabi ni Brother kent sabay abot samin ng kahoy. Kami kasi magkasama saka si Remcie.

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now