Kabanata Pito

297 22 10
                                    

 Note: I'm moved to receive a message from a reader, sobrang natuwa ako sa response nya. That's why this chapter is for you. Salamat sa appreciation, pati na rin po sa ibang readers na nagbibigay ng komento nila. So much appreciated. Kung may gusto po magpadedicate just comment below or message me. The pleasure is all mine. God bless you all :)



Nagulat ako nang may tumabi sa akin... and he smells familiar. "Hi, patabi ha"


Lubdub.


Si Aldrin, na naman.


"Sige lang." sagot ko.


Lubdub.


Ugh. Utang na loob naman heart, avoid pumping blood too fast everytime he's around. Namumuro ka na sakin.


Ang tahimik namin. Ano bang sasabihin ko?


"Yung kanina" –Ako. "About dun sa nangyari" –Aldrin. Sabay kaming nagsalita. "Sige mauna ka na." sabi ko. Tumango sya, "About dun sa nangyari, sorry kung umiyak ka."


I smiled, "Sorry pala dun. Ikaw na tong nagsosorry nagemote pa ko. Pero gumaan na yung pakiramdam ko." Umaliwalas ang mukha nya, "Talaga? Salamat."


"Ako na yung magsosorry sa ginawang pakikipagusap ni Paulo sayo. Ganon lang talaga yun." Kasi naman ang lolo nyo e.


"Okay lang yun, dahil sakanya nalaman ko yung ginawa kong hindi tama" sabi nya. Tumango nalang ako.


Katahimikan na naman ang namagitan samin. Bakit ba kasi di pa sya umalis e sinabi ko naman ng okay na.


"Mira, gusto mo bang itreat kita?" nagulat ako sa sinabi nyang yun. "Huh? Bakit?"

"Peace offering, parang ganon," sabi nya. "Hindi na, okay na talaga ko." Tanggi ko. "Sobrang nakukunsensya ako sa nangayari, at lalo pa kong nakukunsensya nung tinulungan mo ko sa quiz. I mean, after what I did tinulungan mo pa rin ako. So please?"


Nakikiusap sya sakin.


Ugh.


Libreng food. Why not?


Miraaa. Hindi mo na sya crush diba. Wag kang pumayag!


Nakakainis naman. Hay. "Wag na. Kahit naman kanino, gagawin ko yun. " sabi ko. "Mira, please? Please lemme do something for you. Para makabawi naman ako. Gusto mo pa bang lumuhod ako sa harapan mo para lang hayaan mo kong makabayad sayo?"


"Baliw ka ba?"


Tumayo sya... sa harapan ko. Tapos unti-unting parang luluhod. "ALDRIN! Ano ba? Sige na! Oo na wag ka lang luluhod pinagtitinginan na tayo ng mga tao" naalala ko na naman yung sinabi ni Paulo na nag daming nanunuod samin kanina tapos ngayon eeksena na naman sya.

Exit Wounds (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon