Kabanata Labingwalo

234 6 0
                                    

Nakaupo ako habang hawak ang timer, "Malapit na Team Isaiah!" Sigaw ni Jhim.

Nagtteam building kami. Tatlong teams lang ang magkakalaban ngayon. Bawat team pinangalan sa mga names sa bible, di lang mga recruits ang kasali may YFG officers din.

Ang unang makatapos sa lahat ng obstacles kailangang dalhin ang flag sa pole na 50meters ang layo.

Ako ang nagtitimer.

Hawak na ni sister Jana yung flag ilalagay nalang sa may pole at mananalo na ang team nila.

Tumatakbo na sya.

"Go sister!" sabi ni Remcie. "OMG tapos na rin yung team Goliath!" Sabi ko ng makita si Aldrin na tumatakbo na rin hawak ang flag ng team nila.

Halos maaabutan na nya si Jana. Lahat kami naeexcite.

Naunahan na ni Aldrin si Jana!

Malapit na sya sa pole nang... biglang madapa si Jana.

Napalingon si Aldrin at mabilis syang sinaklolohan.

"Ugh!" Daing ni Sister Jana, "Huy, a-anong ginagawa mo?" Tarantang tanong pa nya nang buhatin sya ni Aldrin "Nagkasugat ka sa tuhod miss," sabi ni Aldrin.

"Dalhin natin sya sa bahay nandun yung first aid kit, dali" sabi ni Kent.

"Ayan," sabi ni Tita Rose, isa sa mga CFG officers matapos ilagay ang bandage sa tuhod ni Sister Jana.

Nandito kami ngayon sa malaking bahay kasama ang ilang CFG at YFG, pinagpatuloy pa rin ang games ng pero ibang set of teams na.

"Mag iingat na sa susunod ha" bilin pa nya. "Yes tita" sagot naman ni Jana.

"Okay ka na sister?" Tanong ko. "Oo naman! Guys sorry ha naantala pa tuloy activities natin" paghingi nya ng paumanhin.

"Ano ka ba sister di mo kailangan magsorry ikaw na nga nasaktan e" si Jhim.

"You stay here, wag ka na muna magkikilos habang mahapdi pa okay?" Bilin ni Kent.

Nagpaalam na kami sakanya para makapagpahinga sya at nagsibalik na kami sa campsite.

Madilim na ng magsibalik kami. Umakbay sakin si brother Kent, "Sister nakakapagod no?" Sabi nya sakin. "Yes brother," sagot ko habang sabay kaming naglalakad.

"Pero okay lang, all for Him" sabi nya. "All for Him" masayang tugon ko.

Si brother Kent ang tumatayong leader samin. Isa sya sa mga pinakamatagal ng members at sobrang responsible din.

"Haggard ka na" sabi nya saka ginulo buhok ka, "Brother naman!" Reklamo ko na natatawa.

He's 2years older than me kaya parang bata ang turing sakin.

Pagdating namin sa mansyon, naghintay kami kasi di pa raw luto yung kanin.

Hinanap ko si Paulo, yung baklang yun nakalimutan na atang nandito pa ko kasi enjoy na enjoy sya sa new found friends nya.

Marami rin syang kinekwento sakin kanina na mga crush nya haha baliw talaga. Pero masaya ko na naeenjoy nya ang camping

Hindi ko sya makita, san na naman kay nagsususuot yun?

Nakita ko si Marlo, may kausap na babae. Naku, dumadamuvs! Hay, boys will always be boys.

Naupo ako. Nakita ko si Aldrin na papalapit, "Hi bessy" bati nya.

Naupo sya sa tabi ko.

"Congrats nanalo kayo" sabi ko sakanya. "Well, almost. Di ko nalagay yung flag diba" natatawang sabi nya. "Considered winner na kayo, lalo na sa ginawa mong nagpakahero ka" biro ko.

Exit Wounds (AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon