Kabanata Walo

309 23 7
                                    

NAGKITA NA SILA KANINAAAAA! Naiyak ako sa kilig, really. Sobraaa! Ang OA pero naiyak ako lalo nung nagtama yung mga mata nila. Syete. Kaso... si lola ang epal. Lagi nalang T^T


Sorry for the late update, had a hard time finishing my school works. Hell week, jusme. Hay. Yet, may time pa rin akong antayin ang everyday Aldub episodes na inaupload sa page ng eat bulaga pagsapit ng 8pm. Hahaha


Almost 2chapters ang length nito, para makabawi ako sa tagal ng update. I made some changes sa names.


Aldrin Louie Rios na. Hindi na 'Mico' yung second name ni Aldrin. Yun lang haha.


Dedicated to novaturientfiles. :)




Masayang naglalaro ang mga ibon sa himpapawid, habang ang mga dahon ay tila nagsasayaw sa saliw ng hangin. Ang sinag ng araw ay nagbibigay ng tila kinang sa patak ng tubig na tumulo mula sa sa dahon ng isang bulalak.


Isang panibagong araw na naman.


Ngunit hindi tipikal ang araw na ito para sa mga nasa Living Angels Orphanage. Ito ang araw na ipagdiriwang nila ang kaarawan ng isa sa mga batang minsan nilang inaruga.


Si Tina, bagaman sinabi ng doktor na hanggang pitong taong gulang nalang ang aabutin dahil sa kanyang sakit, ay magdiriwang ng ikawalong kaarawan nya ngayon araw.


Miracle still exists.


Mahal sya ng lahat ng nasa orphanage, dahil sila ang nagpalaki dito. Kaya nga nang malaman nila ang kalagayan ng bata, ganon nalang sila naapektuhan.


Ngayon, isang taon na naman ang nalagpasan nya. Isang taon ng kargdagang buhay na binigay ng Panginoon.


Kaya ito si Ate Yoli, di magkandarapa sa pagwawalis sa malaking bakuran ng ampunan. Si Aling Titay at Lola Zen naman inaasikaso ang mga kasangkapang gagamtin.


Marami pang myembro ang organisasyon ng ampunan na ngayon ay abala sa paghahanda para sa gaganaping pagdiriwang mamaya.


Gising na ang mga bata, ang iba naglalaro at yung iba naman tumutulong.


Sa bandang kusina... *keeeeeek* (tunog ng hilik)


Makikitang natutulog sa harapan ng sewing machine si Mira. Habang naghihilik, nakanganga at mejo... may tulo laway. Hay Mira, maganda ka e. Ang sagwa mo lang matulog.


Pumasok si Lola Zen sa kusina para kumuha ng iba pang kasangkapan na lilinisin, nakita nya ang apo nya na tulog pa rin. "Ate Zen, tinapos nya pa yung lahat ng palda kagabi. Alas dos na ng madaling araw kanina ayaw pa nyang matulog kasi raw di pa sya tapos." Sabi ni Manang Yoli.


Si Manang Yoli, 57 years old na. Pero ang liksi pa rin kumilos.


Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now