Kabanata Dalawa

395 22 6
                                    

"Ay be as in nagnuclear bomb ka inside ng elevator alligator?" tapos ng tumawa si Paulo sa kwento sa kanya tungkol sa nangyari kahapon. Pulang pula na nga sya e. Ang saya saya nya na napahiya ako. Bwisit talaga tong baklang to.


"Ipagsigawan mo pa, tutal wala namang tao sa cafteteria." Sarkastikong saad ko. Nakatingin na kasi yung ibang tao dito sa lakas ng tawa nya. Magkaharap kami ngayon sa isang table habang nagmemeryenda.


"Sorry naman. Who's this lucky person na lumanghap ng marumi mong hangin?" sabi nya sabay subo sa burger nya.


Naalala ko na naman sya... hay. "You remember the guy at cemetery?" tanong ko. "Si Mamang supulturero? Sinundan ka nya?"


Naningkit ang mga mata ko. "Baliw. Yung nakasalubong natin? Yung lalaking minolestya mo na sa tingin, hinubaran mo na sa isip at nirape mo na sa panaginip?" sabi ko sakanya.


"Wait, yung mabangong fafa?" nagmamadaling tanong nya.


Tumango ako.


"WAAAA." Biglang tili nya. "Shhh." Bawal ni Aling Pineng. Sya yung namamahala sa cafeteria. "Ikaw Paulo ha, pag nandito ka nayayanig ang sangkalupaan sa lakas ng bunganga mo." Sabi nya.


Tumawa ako. "Oo nga e, dapat sa labas ng pintuan may nakalagay na signage 'No Paulo allowed' diba Aling Pineng?"


"Hoy Mira wag ka na manulsol." Naiinis na sabi ni Paulo. Malapit lang naman kami sa counter at doon nakaupo si Aling Pineng.


"Papagawa na ako bukas para sa katahimikan ng lahat." Natatawang sang ayon nya saakin. "Bayad po." Sabi ng isang babaeng nakatayo sa cashier. Sya rin kasi yung umaasikaso sa counter pag wala syang ginagawa. Oo, all around sya haha. Close namin sya dahil tatlong taon na rin naming ginugulo ang buhay nya mula nang pumasok kami sa University.


Nawala na ang atensyon nya sa amin at inasikaso ang nagbabayad.


"Back to the topic, schoolmate natin sya, really?" di makapaniwalang tanong nya. "Oo. Nagulat nga rin ako e di kasi pamilyar yung face nya."


"Sa bagay sa lawak ng University di mo naman makakasalubong lahat ng estudyante pero seryoso? As in? OMG. Feeling ko mentubi kami!" Kinikilig na sabi nya.


Napailing nalang ako. Lahat naman ng pogi kamentubi nya.


"Yung gwapong yun inututan mo lang?" nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nya. "Will you please stop talking about it? Hiyang hiya na nga ako e." sabi ko sakanya sabay higop sa straw ng inumin ko.


"Whatever. I will find him, haunt him, make him fall in love with me. Rawr." Ayan nagwild na naman sya. Hayy Paula.


"What's his name?" tanong na naman nya. "Aldrin Louie." Sagot ko. Pinagintroduce sila kahapon sa harap e.


Ang laki ng ngisi nya. "Pangalan palang oms na oms na" (oms na oms as in 'oh my gosh' and oh my gosh means yummy )

Exit Wounds (AlDub)Where stories live. Discover now