39

44.7K 764 39
                                    

39

Salamat sa lahat ng nagbabasa, akalain mong me nagbasa, at matatapos ko, after this, I’ll try to finish the MarXie story, long overdue na yun.  Sidetrip muna tayo kay Calixto at sa Mommy ni Mavee na si Tita Athena…tama ba ang name? Haiz, tamad ako magbuklat ng ibang chapters, pakicorrect na lang po at nang mai edit ko…salamat ng bongga!

***********

Attorney fetch Mavee’s Mom at the hotel, he said that Calixto wanted to talk to her. Her Mommy assured Mavee that she can handle herself well, she should not worry. Alam naman ni Mavee yun kaya pinayagan niyang pumunta ang Mommy niyang mag-isa, siguro makakabuti na rin na makapag-usap sila ng masinsinan ni Calixto para sa ikatatahimik ng lahat.

They went to an exclusive village, kinakabahan siya, it’s been years since they had seriously talk about something, though they had seen each other before Alejandro’s death. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nakaharap na niya si Calixto.

Ang dating lalaking minahal niya.

Ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya.

Naalala niya dati, they were so in love with each other, si Calixto yung lalaking pinapangarap niya, guwapo, matalino, masipag, mapagmahal. Pero tutol ang mga magulang niya, mayroon kasing lalaking Malaki ang pagkakagusto sa kanya noon, si Alejandro. Hindi niya ito gusto kahit pa halos araw-araw ito kung manligaw sa kanya.

Kahit pa alam nitong sila na ni Calixto.

Masyadong pursigido si Alejandro Klein, imbes na sa kanya manligaw, mas inuna nito ang mga magulang niya, katulad ni Calixto, guwapo rin ito, matalino, mayaman, pero arogante, mayabang, mapagmataas.

Mga bagay na ayaw na ayaw niya rito.

Sadyang mapagbiro ang tadhana, pinagkasundo siya ng mga magulang niya kay Alejandro Klein, pinaghiwalay sila ni Calixto. Wala siyang magawa, masyado pa siyang bata nun, masyadong masunurin sa mga magulang, hindi katulad ni Mavee na masyadong matapang harapin ang mga desisyon niya.

Kaya nung hindi pumayag ang anak sa pakikipagkasundo nito para ipakasal, hindi na siya nagtaka, sadyang matigas ang ulo ng anak, pero marahil mas nakabuti yun.

Papasok na sila sa napakalaking mansion nay un, agad silang sinalubong nang kasambahay. Ang laki talaga ng ipinagbago ni Calixto, alam niyang masipag ito, pero hindi niya akalaing yayaman ng ganun ang dating nobyo.

She was actually happy when she learned that after months of breaking up, he married Jasmine. Akala niya okay na ang lahat, okay na rin kasi siya noon kay Alejandro, sadyang napakabait kasi ng napangasawa. Lagi nga niyang sinasabi noon, too good to be true. Sa napakaikling panahon, natutunan niya itong mahalin, siguro hindi niya lang ito napansin dati dahil ang buong akala niya ito na ang pinakamayabang at aroganteng nilalang sa lupa. Napangiti siya sa alaalang yun.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon