30

47.4K 653 23
                                    

30

She doesn’t know what to say nung nakapasok siya sa loob ng apartment, it didn’t change, not even a bit. Kahit ang furniture pati na ang ayos ng mga gamit. Nung pumasok sila ng kusina ay ganun pa rin ito. Naninikip ang dibdib niya, pero naisip niyang kung magpapaapekto siya, baka matatalo siya, at yun ang hindi pupuwede. So she needs to show Craig na okay lang siya, kung ito baa ng gusto nitong gawin sa kanya kaya sila pumunta rito.

“Mavee, change your clothes please, nasa kuwarto pa rin ang iba mo pang gamit.”

“I’m okay with this.”

“Mavee, wag matigas ang ulo, please. Gusto mo bang buhatin pa kita riyan at bihisan ha? You know I’m not joking.”

Ah! Nakakainis! Nagpapadyak na pumasok siyang muli sa kuwarto niya, same bed, same cover nung umalis siya, same things, walang pinagbago. Bakit?

Napako yung tingin niya sa isang picture frame na nasa tabi ng mapshade, picture nilang dalawa yun ni Craig. Kinuha niya iyon at tinignan, they looked happy, so in love. She knew that at this time, she was an idiot for Craig, super tanga siya na paniwalang-paniwala siya sa lahat ng panloloko nito sa kanya. Hindi niya namalayan na pumatak na pala ang mga luha niya. Pinahid niya ito, ayaw niyang makita ni Craig na umiiyak siya dahil apektado pa rin siya nito.

“Mavee?” Nakasunod pala ito sa kanya.

“Why?” Yun ang tanging lumabas sa bibig niya.

“What do you mean, why?”

“Why are we here?”

Bakit nga ba? Kahit siya hindi niya masagot, basta ang alam niya gusto niyang makasama ang babaeng ito na madalas sa hindi laman ng puso at isipan niya. She makes him crazy, literally crazy. To the point that he wanted to give up everything just to bring back the time. The feeling is strange, unusual for him, ngayon niya lang ito naramdaman.

“I honestly don’t know. I-I just wanted to be with you.” Nakita niya ang tuyong luha sa mga mata nito. Damn! Umiyak na naman ba siya? Ganun na ba siya kasadista? “I’ll just wait for you outside.” Baka di na naman niya kayanin.

*****

They were just silently eating their lunch na luto ni Craig, after that, nagyaya itong mag movie marathon sila, pumayag pa rin siya. “Just like the old days, Mavee, just for today.” She just smiled. Sige, just like the old days.

Craig can’t explain but that made his day, Mavee’s presence with him made his birthday worth celebrating even without her knowledge, kuntento na siya. Siguro mas magandang ganito na muna sila. Bumalik sila nang opisina before five p.m. Naiwan kasi ni Mavee ang kanyang handbag at siyempre, nandun rin ang kotse niya. Palabas na siya ng opisina nung magsalita si Craig.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon