32

48.9K 791 38
                                    

32

Dedicated sayo, salamat sa mga wagas mo na comments! :)

Yung dedication, ilalagay ko na lang po sa ibang naunang chapters, pag sipagin...lol...salamat sa nagbabasa, sa nagvovote, lalo na sa nagcocomment..

************************

“Ang ganda ganda naman ng Baby ko.” Sinusuklay ng Mommy niya ang buhok niya, ngayon kasi yung party na pupuntahan nila ni Craig.

“Mom, di na ako Baby, di ba?” Reklamo niya.

“At alam mo na ang sagot ko jan. Sino bang susundo sayo? Si Claude ba?”

“No Mom, yung boss ko po. Work related ang party na to, di ba? We will be meeting a big client. Don’t worry Mommy, after this, uuwi na po ako, magtataxi na lang ako pauwi.”

“Enjoy the part, Mavee, huwag puro trabaho. Baka dun mo na makikita ang hinihintay mo. Saka, hindi ko pa pala namemeet itong boss mo, ano? Ipakilala mo sa akin ngayon ha.”

Patay! Hindi pa pala namemeet ng Mommy niya si Craig. What if malaman nito na isa siyang Chou? Hindi niya kayang masaktan ang Mommy niya.

Narinig nila ang busina ng sasakyan, malamang si Craig na yun. “Ako na Mavee. Put that earrings, bagay sa damit mo.”

Bigla siyang kinabahan. Inaayos niyang muli ang buhok at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Naabutan niyang nagkukuwentuhan ang Mommy niya at si Craig. Pinakiramdaman niya ang dalawa, mukhang wala namang friction. Tumayo si Craig nung makita siya.

“Good evening, Mavee.”  His heart skipped a bit literally when he saw her. She is so gorgeous in her simple black gown. A simple make-up, which he likes most about her.

My gosh Craig, don’t look at me like that. Sigaw ng utak ni Mavee, baka matunaw ako at baka sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko, mahahalata mo nang may gusto ako sayo. She smiled, ang corny ng iniisip niya.

“You look stunning.”

“Thanks, you too, you look great.” That was a sincere comment. Ang guwapo kaya ng demonyong ito.

“Ehem.” Ang mommy niya. “JC, I just would like to request, ihatid mo si Mavee pauwi ha, I don’t care kahit umagahin kayo, basta ayokong mag tataxi siya.”

“Ma’am, I will not let her ride on a taxi, I was the one who got her here, I will be the one to send her back.” Seryosong sabi nito.

“O sige, lumakad na kayo at baka matraffic pa sa labas.”

Niyakap siya ng ina sabay bulong na. “I know that you like him, don’t worry, okay siya sa akin, Baby.”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon