19

45.4K 581 16
                                    

19

  At hindi sila kumain sa cafeteria kundi dun na naman sa Japanese restaurant, mabuti na nga lang at hindi nito pinasara ang buong restaurant.

Masyado lang itong demanding sa mga staff niya pati na rink ay Chef Takashi, within a short notice, kailangan raw na nasa table na nila ang order nilang pagkain.


  "Craig, why did you do it? Why Heintjie?"  

"Why not?"  



"Craig naman, hindi naman siya nanliligaw sa akin, bagong kakilala ko nga lang siya."  

"Bakit, ang akala mo ba kaya ko siya tinanggal ay dahil nanliligaw siya sayo?" Amused na tanong nito.

  "Ha? E ba-bakit mo siya sinesante?"  

"Too many reasons, Mavee, and to clear your conscience, it's not about what you're thinking." Totoo naman yun, nalaman niya kasi na may anomaly itong ginagawa sa loob ng kompanya, hindi lang halata dahil masyado itong mabait sa lahat.


Katulad ngayon, akala ng kaharap ay masyado siyang unfair dahil inalis niya si Heintjie.  


"Craig, the reason why I didn't apply to your company before is because I don't want to work with you, pagkatapos ngayon ikaw pa ang boss ko."  


"What do you want then?" Direchahan nitong tanong sa kanya.


  "I-I want to apply to another company, Craig."   Nainis ang kaharap. Hindi ba nito alam na nahirapan siyang bilhin ang kompanya? Pagkatapos aalis ito? Magreresign?



"Why? Dahil ba ako ang bagong may-ari?"  



"Oo. Ayaw ko na mag-iisip ang mga..."  


"Mavee, bakit ba mas mahalaga sayo ang sasabihin ng iba? You deserve to be in the company, you work hard, and you are an asset. Kung ako lang ang problema mo, na hindi naman sana dapat, then don't mind me."


  "Craig, hindi ganun kadali yun."   "You're being unreasonable. I don't want to argue with you about our status in the company. You just work, hindi kita papakialaman, just eat on time and don't let anyone touches you, as simple as that, Ma. Venice."  



"Craig."


"No more questions, Mavee. Let's eat, hindi pa rin ako nakakapag lunch nang dahil sayo."  

***** 

"Confirmed na JC, may ibinebenta ng company si Alejandro Klein, at pinapagalaw ko na ang mga galamay natin para bilhin yun."  


"Salamat Zanjo. Maasahan ka talaga."

"Basta para sayo, siyangapala, malapit ng matapos ang ipinapagawa nating restaurant sa tabi ng resto ni Alejandro, ipinapangako ko sayo, JC, as soon as we start with our business, lulubog naman ang mga Klein."  




"Mabuti kung ganun, Zanjo, basta walang makakaalam na kami ang nagmamay-ari niyan. Balitaan o ako kapag may bago ka ng update."  



"Walang problema, basta para sayo at kay Tita."   Si Zanjo ay ampon ng Mama niya, alam nito kung paano sila tratuhin ng Papa niya, kaisa niya ito sa pagpaplano na pabagsakin ang mga Klein, kasama na rin ng dalawang kaibigan niya, pero si Cyrus, mukhang nagbabago na ang isip, naniniwala na yata sa salitang pagmamahal.



  Kalokohan, isang matinding kalokohan. Hindi niya nga akalain na si Cyrus mahuhulog sa bitag na yun. Hindi pa niya nakilala personally si Leila, pero since magkaibigan sila ni Mavee, malamang ay katulad rin siya ng dalaga.


He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon