24

44.4K 725 38
                                    

24 (Mabilis lang itong story na to…di ba, dalawang update sa isang araw...ngayon lang yan....nag-eenjoy ako eh…sana…siguro…nga pala, salamat sa votes, mas maraming salamat sa comments, lalo na sa constant na nagcocomment…tink yu!)

*************

Pumunta si Mavee sa dating office ng Dad niya. Wala na ang dating mga gamit nito. Wala na ang kahit anong bakas na makapagpapaalala sa kanya na dati itong kanila. Tumulo ang mga luha niya. Ang bili-bilis ng pangyayari.

Ngayon magbabayaran ang Daddy niya at ang bagong may-ari, nagyon rin masesettle ang kay Gonzalo. Sana lahat magiging okay na. Sana kahit naghihirap sila ay wala na siyang poproblemahin pa.

Tumunog ang cell phone niya. Si Leila,mabuti pa itong kaibigan niya, naalala siyang tawagan, pero si Craig, ni isang text wala, gustuhin man niyang puntahan ito sa Manila ay hindi pupuwede.

“Hi Leila!” Masigla niyang bungad, hindi naman kasi nito alam ang nangyayari sa kanya.

“Mavee, listen please, lahat ng nagyayari sa inyo ngayon ay iisang tao lang ang dahilan.”

“What!”

“Mavee, Cyrus and I broke up.”

“What!”

Naguguluhan siya. “Teka, pakilinaw please, Leila.”

“Mavee, Cyrus and I broke up. Wala na kami, and the reason is because of you.”

“Me? Why me? Leila, wala akong gusto kay Cyrus, wala kaming relasyon. May god!”

“You don’t understand, si Craig.”

Paano naman napasok sa usapan ang nobyo niya? Nalilito na talaga siya.

“Leila, calm down please. What about Craig?”

“He’s a fake. Nagpapanggap siya, Mavee, planado ang lahat, pati yung sa amin ni Cyrus planado.”

“What!”

“I dunno if nagtagumpay na sila, Mavee, but lahat lahat, kung anuman ang nagyayari sayo at sa pamilya mo ngayon, it’s because of Craig and his father.”

Nanlamig siya, ano ang pinagsasabi ni Leila. She needs to go home. “Leila, I’ll call you again, Mom is calling me.”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Where stories live. Discover now