36

43.8K 644 33
                                    

36

Thanks sa support :)

*************

“Mavee.” Nag-aalalang lumapit si Leila sa kaibigan. Mavee is holding the newspaper where the picture of Raima and Jay Craig was there with a big caption that they are getting married. Ayaw sana niyang ipakita kay Mavee ang newspaper pero feeling niya she deserves to know the truth.

“So, what do you expect, Leila? Silang dalawa ang nababagay.” Ibinalik niya it okay Leila.

“Mavee naman.”

“I just don’t think that I deserve the pain that he’d cause me, Lei. Kung may isa man akong bagay na pinagsisisihan ay yung naniwala ako sa salitang pagmamahal na galing sa kanya.”

“Cyrus told me that he doesn’t want to marry Raima, utos lang yun ng ama niya. Ikaw pa rin ang mahal na mahal niya Mavee.”

Parang walang narinig na tumalikod si Mavee. Direcho siya sa kuwarto niya. Kahit ayaw niya, kahit anong pigil niya, nasasaktan pa rin siya, nasasaktan siya na si Craig ay magpapakasal na sa iba, hindi sa kanya. Pinahid niya yung mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. “I hate you Craig Chou!”

Dapat kasi naman di na siya umiiyak ngayon, dapat nga matagal na siyang nakapag move on, pero ang dali lang sabihin, ang hirap hirap gawin, lalo na at tuwing kumakain siya naaalala niya si Craig. Ayaw na nga niyang kumain pa sa Japanese restaurant. Ayaw niyang mag movie marathon. Ayaw niyang pumunta ng park, ayaw na niyang mag MCDO.

“Are you alright, Mavee?” Nagulat siya nung magsalita si Leila sa likod niya, sumunod pala ito sa kanya. Pinahid niya ang mga luha. “Mavee, hindi naman masamang umiyak, I know it’s painful and I can understand it. Time will heal you, please be strong.”

Wala na, hindi na talaga niya kayang pigilan, she hugged Leila and cried on her shoulders. She really loves Craig and it’s too painful to know that he will marry someone. But what can she do, hindi sila pupuwede. “Mavee, you want to talk to him?”

“No, Lei, let’s leave it this way, siguro talagang ganito yung ending ng story namin, hanggang dito na lang kami. Few days from now, we will be going to Spain, kami nina Mommy, maghahanap ako ng trabaho dun, mag-uumpisa, and hopefully makakalimutan ko siya.”

“You will be leaving me na talaga, Mavee? Wala na akong bestfriend.”

“Sira! Ang alam ko lang naman eh taga Spain rin ang iba mo pang relatives at madalas ka dun. Itong isang to, nagdadrama, magkikita at magkikita pa rin tayo ano!”

“Epal ka talaga, Mavee! Hmp! Kung hindi ka lang brokenhearted eh.” Kinurot niya ito sa tagiliran. “Pero Mavee, open your heart ha, ang alam ko kasi, may isang taong gusto kang ligawan kaso masyado siyang natotorpe sayo at baka may papatay sa kanya.” Humalakhak pa ito.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon