27

46.6K 870 70
                                    

27

Parang kailan lang, nasa Gensan pa sila ng Mommy niya, ngayon nasa isang maliit na kuwarto na lamang sila malapit sa opisinang pinapasukan niya. Oo, lumipat na sila ng Luzon, katulad ng laging sinasabi ni Craig, siya ang masusunod. Siguro pagdating lamang sa trabaho, ilang beses ba siyang kinumbinse na bumalik sa apartment na dati niyang tinitirhan, pero hindi siya nito napapayag. Alam niyang hindi sila sanay ng ina sa ganitong tirahan, pero kailangan, habang wala pa siyang malaking naiipon.

Katulad dati, kasama pa rin niya si Leila, hindi pa kasi ito nakikipagbalikan kay Cyrus, hindi niya rin alam kung makikipag ayos pa ba ito, ayaw naman niyang makiaalam. Alam kasi niya na mahal na mahal ito ng kaibigan kaya siguro, kung magkakabati silang muli ay okay lang sa kanya. Katulad ngayon na nagyayaya ang lalaking makipag date sa kanya, double date raw para naman makalanghap raw siya ng sariwang hangin. Todo likgaw kasi ulit ito. Nakita naman niya kung gaano ito ka pursigido.

“Just spare me, Leila, ayoko.”

“Sige naman, Mavee, promise, mabait ang ka date mo, nakilala ko na eh, kaibigan rin ni Cyrus. Sige naman Mavee.”

“Lei, ayoko, wala akong panahon jan. Saka, kahit naman na napatawad ko na si Cyrus, hindi ko pa rin naman nakakalimutan na Malaki pa rin ang partisipasyon niya sa nangyari sa akin, sa atin.”

“Hmp! Siguro Mavee hindi ka pa rin nakaka move on kay Craig ano?” Ay may siira naman yata itong kaibigan niya, siyempre hindi pa, hindi naman kaya ganun kadali yun lalo na at kasama niya ito sa trabaho araw-araw. Mabuti na nga lang at pagdating sa trabaho ay seryoso ito, at dahil marami silang binago sa dating company ng Daddy niya, madalas pa ring busy ito.

“Leila naman, ayoko siyang pag-usapan.”

“Mavee, sige na, sige ka, sasabihin k okay Titan na kay JC Chou ka nagwowork.” Pam bablackmail nito sa kanya.

“Leila!” Makukurot niya itong kaibigan niya.

“Biro lang naman, pero sige na, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na sumama sa amin ni Cyrus, sa mag ba bar lang naman tayo, saka sa friend niya naman yun, wholesome kind of place rin kaya Maveeeee.”

“Oo na nga! Ang kulit-kulit mo!” Alam naman talaga niya na hindi siya titigilan ni Leila kaya OO na.

“Thanks friend!” Agad siyang niyakap nito. Actually, pinag-usapan nilang dalawa ni Cyrus and double date na ito, gusto kasi niyang kahit papano ay makapag move on na si Mavee, kahit naman hindi pa sila ulit ni Cyrus, mahal pa rin niya ito, at may balak din naman siyang makipagbalikan rito, yun nga lang, konting effort pa, konting push pa sa kanya.

“Tara!” Bigla siyang niyaya nito.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon