16

46.6K 596 31
                                    

16

(salamat sa nagbabasa, marami na sila at salamat dahil matino ang pag upload ngayon at di nagdidikit)

***********************************

Parang nakakatakot ang Papa ni Craig, nanunuot sa pagkatao niya ang titig nito.

“How are you related to Alejandro Klein?”

“He’s my father, Sir.” She answered.

Napatingin ang lahat sa kay Mr. Calixto Chou, parang ilag silang lahat rito. Hinawakan ni Craig ang isang kamay niya, as if assuring him that everything is alright.

“Seems that I disturb you, go on with what you’re doing. Jay Craig, let’s talk tomorrow at the office.”

It was obvious from his Mom’s face that she is nervous or agitated of the Mr. Chou’s presence. It seems that they are not close to him based on her observation.

“Pasensiya ka na sa asawa ko ha, Mavee, baka pagod lang sa opisina, hindi rin kasi naming siya macontact, he was not informed that we will be here.”

“Okay lang po yun, Tita.”

Nagtagal pa siya sandal sa mansion bago inihatid ni Craig pauwi. Tahimik lang itong nagmamaneho.

“May problema ba, Craig?” Masyadong malalim ang iniisip nito.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Wala, Hon. Can I sleep with you?”

“Ha? But your mom is there, baka kung anong isipin niya.”

“Mom wouldn’t care, I’m mature already. Ayaw mo na ba akong katabi, Honey?” Pinalungkot pa nito ang boses at mukha niya. Nakurot niya tuloy ito sa tagiliran.

“May drama ka pang nalalaman.”

“Ayaw mo na kasi akong katabi, porke ba gusto ka lang ng mga kapatid ko at ni Mama.” Tampo mode pa ito.

“Ay oo na, Craig, kahit dun ka pa tumira sa apartment!” Pang-aasar niya rito na hindi naman niya inaasahan ang magiging sagot nito.

“Talaga? Wow! Finally, you had invited me to live with you! Ang saya-saya ko, Hon!” Nagsisigaw pa ito.

“Ang high mo ngayon! Tumigil ka nga, nagbibiro lang ako.”

“Wala ng bawian, Ma. Venice Klein. Bukas na bukas din, ililipat ko ang ilang gamit ko dun sa apartment.”

“Nakakainis ka, Craig! You know I’m just joking!”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon