31

46.3K 673 41
                                    

Light lang...swabe lang...kulang tulog

*********

 31

“Ikaw ba Craig, di ba naging kayo ni Mavee? Minahal mo ba siya?” Dire-direchong tanong ni Leila kay Craig! Nagkandasamid-samid si Mavee sa tanong ng baliw niyang kaibigan. Pinandilatan niya ito. Kung pupuwede lang sigurong matunaw siya ngayon. Leila!

Lahat ng mata nasa kay Craig……

Pati na siya….

Nilagok muna ni Craig ang kanyang iniinom bago tumingin kay Mavee.

Oh my god! Hindi na niya makontrol ang tibok ng puso niya. Anticipating for his answer, she also looked at him. Nagkatitigan sila.

“Sagot!” Sabay palo pa ni Leila sa mesa nila.

“NO.” He said.

No

No

No

Shit! Bakit parang pinira-piraso ang puso niya?  Sana nilamon na lang siya ng lupa ngayon.

“No, because….”

Hindi na niya pinatapos na magsalita si Craig. She slapped his face. Pinakamalakas na kaya niya. Then she walked –out. Narinig niya pang tinawag ni Leila ang pangalan niya pero parang wala na siyang narinig. All she wanted to do is to get out of that damn bar!

******

“Hayop ka, Craig! Hayop ka talaga!” Umiiyak na sabi niya.

Naabutan ni Craig si Mavee sa parking lot na umiiyak. God, siya na naman ang dahilan. “Mavee.”

He tried to hug her pero pumiksi ito. “Mavee, listen. It’s not what you think.”  He wanted to explain, he wanted Mavee to understand that it’s not the way she thinks it is.

“At ano, Craig? Bullshit! Can you just leave me alone?!” Sigaw niya. Mabuti na lang at walang tao sa parteng iyon.

“No! You didn’t let me finish, you slapped me!”

“Kulang pa nga yan, Craig! Kulang na kulang!”

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon