37

43.3K 655 20
                                    

37

Pag ako nabored at minsan ay sobrang saya o badtrip, biglang natatapos ang story, kaya madalas, wala ako sa ending… hehehehe…salamat sa lahat ng nagbabasa ng story na to…

 **********

“Mavee, don’t forget your appointment with your OB today ha.” Paalala g Mommy niya bago ito pumasok sa trabaho.

“Yes, Mom. You take care, okay.” Ilang buwan na ba sila sa Spain? Mag aapat na, at sa mga panahong yun, medyo nakapag adjust na sila ng Mommy niya sa bagong buhay. Her mom got a job and good thing that her relatives here had helped them kaya may nakuha rin silang isang maliit na apartment, enough for them to start a new life.

She started cleaning the house, hindi siya pinayagan ng Mommy nya na magtrabaho, pagkapanganak na lang raw niya. What she is thankful about is because her Mom had easily accepted what had happened to her, and the two of them are very determined to take care of the child no matter what happened.

Tumunog ang kanyang cellphone at dahil nakaassign ang mga ring tones, alam niyang galing kay Leila ang tawag.

“Lei, kumusta?”

“Heto! Kami na ulit ng Cyrus Baby ko.” She rolled her eyes, sila naman talaga di ba? Ang hirap espilengin ng kaibigan niya.

“Kayo naman talaga di ba?”

“Hindi official yung dati, kanina ko lang siya officially sinagot.” Natawa siya dun, okay lang ba itong kausap niya eh nung andun pa sila ng Mommy niya, ang alam niya, dun ito natutulog sa condominium ni Cyrus. Sira ulo talaga.

“Oo na nga, Leila. Ikaw na ang mahaba ang hair ngayon!”

“Siyempre no! How are you hot preggy Mom?”

“Still pretty, Leila! Yung promise mo ha, sasamahan mo akong manganak rito.”

“Oh yeah! I will, saka ako kaya magiging Ninang niya.”

“Thanks, pretty Leila.”

“You’re welcome, yun lang naman ang itinawag ko. I need to go now. Ingat ha, saka wag ma stress!” Napangiti si Mavee, at least now, Leila is sensitive, sa tuwing tinatawagan siya nito, wala itong binabanggit na tungkol kay Craig, o kahit na anong connected sa mga Chou. Mas makakabuti yun para mapadali ang lahat.

Umabot naman siya sa oras ng check-up niya, her doctor became her friend too, best friend kasi ito ng Mommy niya at alam nito ang kalagayan niya. Isa pa iyon sa mga blessings in disguise ng pagtira nila ng Spain, her Mom found a dear friend.

He's In Control (PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon