Chapter Nineteen

203K 3.3K 300
                                    

Hindi na ako binitiwan ni Maico hanggang sa makahiga sa kama. Hinayaan ko na lang siya habang patagilid na nakayakap sa akin. Hindi siya tulog pero hindi rin siya nagsasalita. Ganun lang kami nang ilang sandali saka ako nagtangkang kumalas sa pagkakayakap niya.

Umungol siya sa pagpo-protesta at niyakap pa ako nang mas mahigpit.

"Beast... kailangan ko nang umuwi. Gabi na masyado," sabi ko.

"Dito ka na matulog," aniya saka isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Napailing na lang ako. Hindi na ako makakilos sa higpit ng yakap niya. Para bang ayaw na akong paalisin dun habambuhay.

"Kailangan kong pumasok bukas. Wala akong gamit dito." Pinilit ko ulit na makawala pero walang silbi 'yun. Nasa mga bisig niya pa rin ako at hindi makawala.

"May gamit ka dito. Nand'yan sa closet," aniya.

Kunot noong tinignan ko 'yung closet sa 'di kalayuan. May gamit ako rito? Pero paano?

"Dito ka na matulog, please? Promise, matutulog lang talaga tayo." Tumawa pa siya nang malakas pagkasabi nun.

Hinampas ko naman siya sa braso. 'Yung parte lang na kayang abutin ng kamay ko. Pasaway kasi e, ayaw pa akong pakawalan.

"Oo na, dito na ako matutulog. Pero bitiwan mo muna ako, gusto kong mag-shower," sabi ko.

Iniangat niya bigla 'yung ulo niya at malapad ang ngiting tumingin sa akin. May kung anong kalokohan na namang iniisip ang isang 'to panigurado.

"Okay! Madali naman akong kausap e. Sabay na tayo," ani Maico at mabilis na tumayo.

I rolled my eyes on him. "Ako lang. Matutulog lang tayo, remember? Nag-promise ka 'di ba?" Sumimangot siya bigla na ikinatawa ko naman.

"Promises are made to be broken."

"Basta. Hindi pwede," sabi ko.

Nagmamaktol na dumapa siya sa kama. Natatawang iniwan ko na lang siya roon at lumapit sa walk-in closet.

Hindi ko inasahan ang nakita ko. Malaki ang walk-in closet niya, pangdalawang tao. Pagkapasok ko roon, natulala na lang ako dahil kalahati ng laman ng closet ay mga damit ko. Ito pa 'yung mga damit na ginagamit ko dati sa condo niya 'pag doon ako nagpapalipas ng gabi. So... after all these years, hindi niya pa rin itinapon ang mga 'to?

Mayroon din namang mga bagong damit na naroon. Pambabae 'yung mga nakabalot pa. Hindi ko mapigilang mag-init ang sulok ng mga mata ko habang binabasa ko 'yung nakasulat sa balot. Jacky. Binili niya talaga ang mga damit na 'to para sa akin kahit na hindi niya naman ako kasama.

Napalingon ako kay Maico. Nakadapa pa rin siya at nakasubsob pa 'yung mukha sa kama. Nangingiting kumuha ako ng undergarments at isang malaking puting t-shirt niya. Wala lang, para kasing mas gusto kong isuot ang damit niya kesa sa mga damit ko rito sa closet.

Pumasok na agad ako sa banyo kapagkuwan at nag-shower.

Saglit lang ang ginawa kong pagligo at lumabas na rin ako. Naabutan ko si Maico na naka-Indian sit sa gitna ng kama at mukhang hinihintay talaga ako. Inalis niya na ang pantalon niya at naka-boxer na lang siya.

Halata 'yung pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako. Malamang ay hindi niya inasahan na ito ang isusuot ko. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa makalapit ako.

"Tulog na tayo," sabi ko.

"Are you seducing me?" tanong niya.

"Of course not! Matulog na nga tayo!" Humiga na ako sa isang bahagi ng kama at itinakip ang kumot sa kalahati ng katawan ko.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon