Chapter Twelve

202K 3K 376
                                    

I still love you, Jacky... I still love you, Jacky... I still love you, Jacky...

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang huling sinabi ni Maico. Hindi ko inaasahan 'yun. Pagkababa namin sa Sky Ride ay hindi ko na siya inimik. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon dahil sa sinabi niya. Alam na alam niya namang may nobyo akong iniwan sa Maynila.

"Hey, are you really going to ignore me or what?" Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pabalik sa kotse. 'Yung kotseng pinahiram ni Lisa para sa pagpunta namin dito sa adventure park.

I heard him sigh. Pumasok na agad ako sa kotse pero hindi pa rin siya sumasakay. Nakatayo lang siya sa harap nun at tulala. Mga ilang sandali rin siyang nanatiling ganun hanggang sa buksan niya ang passenger's seat, kung saan ako nakaupo, at hinawakan ang pisngi ko para iharap sa kanya.

"Kukunin ko lang 'yung pictures natin. You can stay here if you want." Nakatitig lang siya sa akin, naghihintay nang sagot ko kung sasama ba ako pero hindi ako umimik. He sighed again and strolled out to get the pictures.

Napabuga ako ng hangin. "Ano bang gagawin ko sa'yo Maico? Bakit mo ako ginaganito?" nasabi ko na lang habang pinagmamasdan siya palayo.

~*~

Mabilis na lumipas ang maghapon nang hindi kami nag-uusap ni Maico. Ni tapunan siya ng tingin hindi ko ginawa. Ayoko muna siyang harapin dahil naguguluhan na ako. Bakit ba kasi kailangan niya pang sabihin ang mga salitang 'yun?

Alas-otso ng gabi ang flight namin pabalik ng Maynila kaya naman umalis kami agad ng Danao para maagang makarating sa Tagbilaran kung nasaan ang nag-iisang airport dito sa Bohol. Inihatid pa kami ni Lisa at Jelay kaya naman nakasama ko pa nang mahaba-haba ang pamangkin ko.

Bagsak na si JM pagkasakay namin ng eroplano. Nasobrahan 'ata sila ng paglalaro ni Jelay pati nung kambal. Sa akin lagi siya naka-kapit at ayaw niyang humiwalay. Hinayaan ko na lang. Ito naman na ang huling beses na magkakasama kami ng ganito. Tinignan ko ang natutulog na bata. Mami-miss ko siya oras na lumayo na ako sa kanilang mag-ama. Kahit paano naman kasi napalapit na ang loob ko kay JM.

"Sa bahay na muna tayo tumuloy," ani Maico pagkalabas namin ng airport.

"Hindi na, magta-taxi na lang ako pauwi," sabi ko.

"'Wag nang matigas ang ulo mo, Jacky. Iuuwi muna natin si JM, then I'll take you home," mariing sabi niya. Hindi na ako nakipagtalo dahil alam kong hindi rin naman ako mananalo. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Tutal last naman na 'to.

Nagising si JM sa kalagitnaan ng biyahe namin papunta sa bahay nina Maico. Ang dami niyang kwento sa akin. Lahat ng pinaggagagawa nila nung mga oras na nasa adventure park kami ni Maico. Mukhang nakakuha na ulit ng lakas ang bata kaya naman wala akong nagawa kundi manatili na lang muna sa bahay ni Maico hanggang sa makatulog na ulit si JM. Inabot pa kami ng tatlong oras para lang makatulog siya nang tuluyan.

Hating-gabi na nang naging deretso ang paghinga ng bata. Tumayo na ako at marahang lumabas ng kwarto niya. Sa labas, naghihintay si Maico. Nakasandal lang siya sa gilid ng pinto.

"Uuwi na ako," sabi ko agad pagkatingin niya sa akin.

"Dito ka na magpalipas ng gabi. May guest room naman dito. O, gusto mo dun ka na lang sa kwarto ko." He grinned as he mutters each word.

I rolled my eyes on him. "Sabi ko, uuwi na ako," sabi ko sa inis na tono. Wala akong oras makipag-asaran sa kanya.

"Okay."

~*~

There was an awkward silence as we headed for my unit. Ni hindi ko siya nililingon sa driver's seat. Pero ramdam ko, maya't-maya ang ginagawa niyang paglingon sa gawi ko. Hindi ko na lang 'yun pinansin at nag-concentrate na lang ako sa pag-iwas ko sa kanya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon