Chapter Eight

205K 2.8K 249
                                    

For the n'th time, pinihit ko uli ang susi sa ignition pero ayaw pa ring mag-start ng kotse ko.

Ugh! Pag minamalas ka nga naman!

Ipinahiram lang sa akin ni Anthony ang kotse niyang ito dahil ayoko pang bumili ng sa akin. Nagagamit pa naman kasi at sayang naman. Ang kaso, heto at ayaw nang umandar ngayon.

Sumilip ako sa labas at walang ibang tao. Magta-taxi na lang ako. Problema lang at baka malate ako sa appointment ko.

Lumabas ako ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nagulat ako nang makita si Maico na ngiting-ngiti at mukhang amused na nakatingin sa akin. Nakasandal pa siya sa kotse niya at nilalaro sa daliri ang susi.

"Need a ride? Mukhang bulok na 'yang kotseng dala mo a?" nang-aasar na alok niya.

I rolled my eyes. "Kahit na luma na 'yan, maayos pa naman 'no!" sabi ko. Nakasimangot pang naglakad ako pabalik sana sa elevator. Aakyat na lang ako ng ground floor para mag-taxi.

"Maayos?" he said in a mocking tone. "Kaya pala ayaw nang umandar!" Tumawa pa siya nang malakas na ikinalingon ko. Tinignan ko siya nang masama kaya napatigil siya. He's still foolishly smiling when he opened his car doors. "Hop in!" aniya.

Umirap lang ako sa kanya saka tumalikod. Bahala ka d'yan! Nakakabanas talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan!

"Baka mahirapan kang makasakay ng taxi sige ka. Pinapasakay na kita o. Baka ma-late ka niyan sa susunod na meeting mo."

Napatingin agad ako sa wrist watch ko dahil sa sinabi niya. Tsk! Mukha nang male-late ako 'pag nag-inarte pa ako. Wala sabi-sabing naglakad ako pabalik ar sumakay sa kotse niya. Nangingiti namang sumakay na rin siya. Tahimik lang kami habang papunta sa opisina ko. Itinawag ko na rin ang kakarag-karag kong kotse para makuha sa opisina ni Jace. Siguro nga, kailangan kong nang bumili ng bago.

Sakto lang ang dating ko sa opisina at may oras pa ako para ayusin ang mga papeles bago humarap sa ka-meeting ko. Buti na lang, nakisakay na lang ako.

"Salamat ha," sabi ko sabay bukas ng pinto.

"Jacky, wait!" pigil sa akin ni Maico.

Napalingon naman agad ako kay Maico bago pa ako makababa. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya. Nag-iwas muna siya ng tingin saka bumuga ng hangin. Para bang hindi niya malaman kung paano sasabihin kung ano mang sasabihin niya.

"Ano 'yun?" naiinip nang tanong ko.

"Ano kasi—" Nag-isip siya sandali bago nagpatuloy, "pupunta sana kami ni JM sa Bohol," he said finally.

"Okay?" nakakunong noong sagot ko. I don't see how it is connected to me. Anak naman niya 'yun, hindi naman sa akin. Bakit kailangan niya pang ipag-paalam?

Bababa na sana ako nang magsalita uli siya.

"Gusto sana ni JM, kasama ka," aniya.

"What?" Napalingon uli ako kay Maico. "Hindi pwede!" sabi ko.

"Pero Jacky, gusto ng bata, kasama ka. Matagal na naming plano 'to e. Kahit ngayon lang, please? Promise, after nito wala na. Sasabihin ko na rin kay JM kung anong totoo." Itinaas niya pa ang kanang kamay niya.

"Seryoso kang sasabihin mo na sa kanya ang totoo? Paano kung makasama 'yun sa kanya?" nag-aalalang tanong ko.

"He'll be fine—I think." Huminga pa siya nang malalim. "Siguro, ipapakilala ko na lang siya sa totoong ina niya." Matipid na ngumiti siya. "So ano, payag ka na? Please?"

Huminga ako nang malalim. "Pag-iisipan ko," sabi ko saka tuluyang bumaba.

~*~

"Ma'am, nagpa-cancel po ng meeting si Mr. Chua. Re-sched na lang daw po for tomorrow," bungad sa akin ng sekretarya ko pagdating ko pa lang.

Tumango na lang ako kesa mag-init pa ang ulo ko.

Sana kasi, sinabihan niya na ako sa telepono para hindi na ako nagmadali pagbalik dito sa opisina.

Hindi pa ako nakaka-isang hakbang nang magsalita uli siya.

"Uhm, ma'am, may bisita po pala kasi sa loob," aniya.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mag-inang Lisa at Jelay.

"Tita! Patakbong lumapit sa akin si Jelay at yumakap. Sa loob ng apat na taon, hindi nawala ang communication namin. Nagkaka-usap kami sa skype at pinadadalan ko pa rin siya ng mga regalo sa tuwing may mahalagang okasyon.

Maayos naman ang naging trato sa kanya ng step-father niya at itinuturing siyang tunay na anak. Masaya akong ipinaubaya ko na siya sa tunay na ina niya.

Napaisip tuloy ako kung ipinagpatuloy ko ang pagpapakasal dati kay Maico at ang pag-ampon namin kay Jelay, masaya kaya kami ngayon? Malamang hindi. Hindi ko kayang maging masaya habang alam kong hindi naman masaya ang mga nasa paligid ko.

"Pasensya ka na at ngayon lang kami nakapunta," ani Lisa na pumutol sa pag-iisip ko. "Ilang buwan ka na rito pero ngayon lang kami nakadalaw," aniya pa saka lumapit sa akin at nag-beso.

"Ayos lang ate Lisa. Malayo ang Bohol sa Maynila kaya naiintindihan ko. 'Di bale, sa susunod, ako naman ang dadalaw sa inyo," sabi ko.

Ngumiti siya. "Tamang-tama, maraming magagandang lugar na mapapasyalan doon. Makapagpahinga ka man lang. Puro ka na trabaho e."

Nang sabihin niya 'yun, naisip ko bigla ang pagyayaya ni Maico kanina papuntang Bohol. Nagdadalawang-isip ako kung sasama ako dahil panigurado, hindi papayag si Anthony at hindi rin naman magandang tignan na sasama ako sa kanila.

Pupunta na lang siguro ako roon mag-isa o kasama si Anthony para magbakasyon. Hindi na lang ako sasama sa mag-ama.

"Sasabihan kita ate pag pupunta ako," sabi ko.

"Aasahan namin 'yan ha. Basta magpasabi ka lang para mapaghandaan naman namin," aniya saka tumayo. Tumingin siya sa wall clock at malungkot na tumingin uli sa akin. "Naku, Jacky, kailangan na naming umalis. Napadaan lang talaga kami. Nagpilit lang kasi kaming sumama sa asawa ko rito e. May pupuntahan pa kami pagkatapos dito."

Nalungkot naman akong hindi ko makakasama nang maagal si Jelay pero ayos lang. At least, nakita ko siya. Saka magbabakasyon na lang ako roon. Sobrang stressed out na rin naman ako.

"Okay, sige. Mag-iingat kayo ha," sabi ko.

Hinatid ko ang mag-ina hanggang sa naghihintay nilang sasakyan.

"Bye, tita! Asahan ko po ang pagdalaw niyo ha?" ani Jelay saka humalik sa pisngi ko.

"Sure!" sabi ko. "I'll call you kung kailan ako pupunta," baling ko kay Lisa.

Hindi pa man sila tuluyang nakakasakay nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko 'yun mula sa bulsa ko at tinignan.


From: Maico Buenaventura

Please, beauty? Last na talaga, promise! Sama ka na sa amin sa Bohol :(


Hindi ko napigilang matawa sa sad face emoticon niya.

Napatitig uli ako sa message niya. Tinawag niya pa akong beauty. Hay, bahala na!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon