Chapter Twenty Four

162K 2.5K 110
                                    

"What are you doing?" tanong ko kay Maico.

Madaling araw na at nagising ako sa dahan-dahang pagkilos niya.

"Ah, wala. May naalala lang akong kailangang isend," aniya.

"Phone ko ba 'yan?"

Kunot noong tinignan ko 'yung hawak niyang cellphone. Medyo nakapikit pa ako dahil sa antok. Sigurado akong akin 'yun dahil iba naman ang kulay ng cellphone niya.

Tumingin siya sa cellphone na hawak saka tumango.

"Ayaw gumana nung mail sa cellphone ko kaya hiniram ko muna 'tong sayo."

Pumindot pa siya ng ilan saka humiga ulit sa tabi ko. Antok na antok ako kaya naman niyakap ko na lang siya. Yumakap din siya sa akin nang mas mahigpit pa.

It's been weeks mula noong kinausap ako ni Anthony. At so far, mas naging okay kami ni Maico. Though medyo naging possessive ang asawa ko, ayos lang sa akin. I even find it sweet.

Araw-araw, hatid sundo ako ni Maico. Ayaw niya nang magmaneho pa ako. Para naman daw mas mahaba ang mga oras na magkasama kami kahit sa biyahe na lang.

Actually, ang gusto niya talaga noong una ay tumigil na ako sa pagta-trabaho. Matinding pilitan din ang ginawa namin at sa bandang huli, nanalo ako. Hindi naman kasi ako simpleng empleyado lang. May share na ako sa kompanya ni Jace at gusto kong hands on ako sa pinaghirapan ko ng ilang taon. Naintindihan niya naman yun kaya hinayaan niya na lang ako. Basta ang kondisyon niya, siya na ang maghahatid at susundo sa akin.

"'Wag ka munang matulog..." bulong niya sa tenga ko.

"Hmmn... Inaantok na ako. Matulog ka na," pabulong nang sabi ko. Ang bigat na kasi ng mata ko sa antok.

"Beauty... uy, wag mo 'kong tulugan..."

Binigyan niya pa ng maliliit na halik ang mukha ko. Sa noo, sa pisngi, sa mata, sa ilong at tumagal yun sa labi ko. Umungol lang ako bilang tugon.

Dahil talagang hindi ko na kaya ang antok, hinawakan ko na lang ang pisngi niya saka bumulong.

"I love you... matulog ka na."

~*~

"Jacky, I need you to go to BGC right now. You have to talk to Mrs. Martinez," bungad ni Jace sa akin pagkapasok ko pa lang ng opisina niya.

"Bakit? Nagkaproblema ba sa kontrata?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi, na-settle na ang kontrata with Mrs Martinez weeks ago.

"Medyo lang. Basta mas mabuting personal mo siyang kausapin. Alam mo namang gustong-gusto ka nun." Kinuha niya ang isang folder at iniabot sa akin. "Read this. Ipropose mo sa kanya at para hindi na magpabago-bago ang isip niya.

Tinignan ko ang folder saka nagkibit balikat.

"Okay, pupunta na ako roon."

Bumalik muna ako sa opisina ko para ayusin ang mga gamit ko. Malamang kasi niyan ay mapapatagal ako. Knowing Mrs. Martinez, makikipagkwentuhan pa 'yun sa akin ng bongga.

Ilang beses na rin akong nakapunta sa opisina nito. Nagkasundo kami dahil pareho kami ng hilig, ang pagpipinta. Oo, hilig ko 'yun noon pa. Pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Wala naman kasi akong mararating sa propesyon na 'yun.

Isinuko ko noon ang pangarap kong maging isang pintor dahil na rin sa kahirapan ng buhay namin. Hindi kasi sigurado ang magiging future ko roon. Kaya naman kumuha ako ng kurso na sigurado akong iaangat ako sa buhay.

Simula nang mag-college ako ay itinigil ko na ang pagpe-paint. Kahit pagdo-drawing, hindi ko na ginawa. Hanggang sa maka-graduate ako at magka-trabaho.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon