Chapter Twenty Five

158K 2.6K 116
                                    

"Elaine..."

Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Paanong nandito lang siya sa malapit pero hindi niya pinupuntahan si JM? Nagkasundo kaya sila ni Maico na ibinibigay niya na ang buong custody sa bata? That's unfair. Kahit na ano pang sabihin, anak niya pa rin ang bata.

On the other hand, kung pinupuntahan niya si JM baka wala ako sa tabi ng mag-ama ngayon. Baka hindi ako tanggapin ni JM bilang ina niya dahil alam niyang nasa malapit lang ang totoong nanay niya. Kinabahan ako bigla. Paano kung makita ni Maico si Elaine? Anong magiging reaksyon niya?

Wala akong alam sa nangyari noong umalis ako. Kung paano nila inayos ang tungkol kay JM. Paano kung magpapakasal na sana sila noon tapos nagkaroon lang ng misunderstanding? Paano kung biglang maisip ni Maico na mas mabuting ang tunay na ina ni JM ang makasama niya? Pilit kong inalis sa utak ko ang mga naiisip.

"Uhm, Maico?"

"Hey, bigla ka na lang hindi nagsalita d'yan. May problema ba?"

Umiling ako kahit hindi niya yun nakikita. "Wala naman, beast. 'Wag mo na akong sunduin. Mag-tataxi na lang ako. Nandito ako sa Makati e, out of the way."

"No," mariing sabi niya. "Sabihin mo sa'kin kung saan 'yan at pupuntahan agad kita."

"Hindi na, Beast. Nakasakay na rin naman ako ng taxi. Magkita na lang tayo sa bahay."

Hindi na siya nagsalita mula sa kabilang linya. Naghintay pa ako sandali at nang makitang hindi niya pa ibinababa ang tawag, nagsalita ulit ako.

"Ipagluluto kita pagkauwi ko. See you! I love you."

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at ibinaba ko na ang tawag.

Tinignan ko ulit si Elaine mula sa kinatatayuan ko. Malaki na ang ipinagbago ng hitsura niya. Mukhang haggard na siya dahil siguro sa pupusan ang trabaho niya. O baka malungkot din siya dahil wala sa kanya ang anak niya.

Napaisip ako. Kamusta na kaya siya? May pamilya na kaya siyang sarili? O mag-isa lang at hinihintay ang mag-ama niya?

Napapikit ako nang mariin. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Ako ang asawa ni Maico at ang kinikilalang ina ni JM. Hindi ako dapat nag-iisip ng kung anu-ano.

Huminga ako nang malalim at inalis ang tingin kay Elaine. Sa unang taxi na dumaan, walang lingon-likod na sumakay ako.

~*~

Nakasimangot si Maico pagkarating ng bahay. Buti na nga lang at mas nauna ako sa kanya. 'Di hamak naman kasing mas malapit ang pinanggalingan ko. Kaya kung sinundo niya pa ako mas mahabang oras ang masasayang namin.

"Hey, beast. Ganyan ba ang isasalubong mo sa maganda mong asawa?" sabi ko sabay halik sa mga labi niya. Galing ako sa kusina dahil ipinagluluto ko na siya ng lechon kawali.

Ngumit siya nang bahagya saka umakbay sa akin.

"Pagod lang, beauty. Anong niluluto mo para sa gwapo mong asawa?" Natawa ako bigla sa sinabi niya. Siniko ko pa siya sa tagiliran. "What? Ikaw lang ang pwedeng magbuhat ng sariling bangko, ganun?" aniya, this time nakangiti na talaga siya.

"Oo na po. Hindi naman ako umaangal e. Magbihis ka na dun, tatapusin ko pa 'yung niluluto ko."

Bumalik na ako sa kusina habang siya naman ay umakyat sa kwarto para magbihis. Tinutulungan qako ng isa sa mga katulong namin kahit na sinabi kong kaya ko na. Mas okay na rin, bawas trabaho mapapabilis pa ang ginagawa ko.

Alam kong nagtatampo si Maico kanina kaya nilambing ko agad. Gusto niya kasi talagang sunduin ako pero ayokong makita niya si Elaine. Ewan ko ba, natatakot talaga akong magkita sila.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon