Chapter Three

231K 3.2K 208
                                    

"We're working on a merger." Pagsisimula ni Jace pagka-upo ko pa lang sa harap ng desk niya. Kinailangan ko pang pumunta rito sa opisina niya sa Makati para lang maka-usap siya. Sa sobrang dami kasi ng inaasikaso niya ay mahirap nang kumuha ng appointment sa kanya.

"Okay, with whom?" tanong ko.

"Look, Jacky. Mahihirapan na tayong maka-ahon dahil sa nangyari kaya kailangan na natin ng tulong. We can't stand alone all by ourselves. So, I've decided to propose a merger."

Nagsimula ang problema namin ilang buwan na ang nakakaraan. May mole sa kompanya at ibinebenta lahat ng strategies namin sa kalaban kung kaya naman lagi kaming nauunahan at sa huli, unti-unti kaming bumabagsak. Mabuti na lang at nakilala na kung sino 'yun at ngayon ay nasa trials na sa korte.

"So, you've decided without my knowledge eh?" inis na sabi ko. Kahit na sabihin pa kasing expert na siya sa mga ganitong bagay, nakakainis pa rin na wala akong alam. Provided na ako ang nagma-manage sa kompanyang ito.

"Oh, don't give me that tone Jacky. It seems you're busy with your heart business, so I don't want to interrupt," he said giving me a teasing smile.

I rolled my eyes on him. "Okay, okay. So, with whom are we going to merge?" naiinip nang sabi ko.

"I want you to personally talk to them. We really, really need this merger Jacky. It's for the best—"

"Oh, cut the crap Jace! Kanino ba ako makikipag-usap?" I said impatiently.

Tumahimik siya saglit saka nagsalita. "MVB Productions." aniya habang titig na titig sa akin at mukhang hinihintay ang magiging reaksyon ko.

MVB Productions? Seriously? Hindi ako makasagot sa kanya. I have to talk to them personally. I have to talk with Maico, personally. Yes, it's Maico's company. Maico V. Buenaventura Productions. Ugh! Kaya naman pala hindi masabi-sabi ng Jace na 'to kung kanino e!

"O-kay." mahinang sabi ko. Hindi naman kasi okay! Days ago, nang makita ko siya ulit hindi na ako napakali. Muntik pang magulo ang relasyon namin ni Anthony na dalawang taon ko ring iningatan tapos ngayon, kailangan ko siyang kausapin?

"Are you sure it's okay?" kunot noong tanong niya.

May choice ba ako? Wala naman di ba? So, kailangan maging okay lang sa akin.

Nakahanda na sana akong barahin siya ng bumukas yung pinto at pumasok si Lana.

"Oh, hi Jacky!" mabilis ang lakad niya papunta sa akin saka bumeso sa pisngi ko. "Hi, Dad!" aniya saka naman lumapit kay Jace at humalik sa mga labi nito. Napa-ikot na lang ako ng mata dahil sa nakita.

"You're looking great huh, Lana." Sabi ko sa kanya. Nakakainggit lang 'yung nakikita kong saya sa mga mata niya. May tatlong anak na sila ni Jace at sa ngayon ay buntis na naman ang bruha. Parang nagsisisi tuloy akong hindi ko tinanggap 'yung proposal ni Anthony.

Tumawa lang siya sa akin. "Kailan ba kayo magpapakasal ni Anthony? Two years na kayo a? In fairness sa inyo nalagpasan niyo ang long distance relationship. Kaya nga ipinilit ko na rito kay Jace na pabalikin ka na rito e."

Ngumiti ako nang mapait. Yeah, Anthony and I survived that so called LDR. Pero hindi ko pa rin maramdaman sa sarili ko na handa na akong lumagay sa tahimik. Noong unang beses na na-engage ako, nararamdaman kong gusto ko na. Kaya hindi ako maka-oo ngayon kay Anthony. Hinahanap ko 'yung pakiramdam na 'yun. 'Yung pakiramdam na iniisip mo yung future mo na kasama siya.

"I haven't answered him yet. Anyway, I have to go. Lunch time na pala," sabi ko sabay tayo. Nakita ko ang bitbit ni Lana na lunch box. How sweet of her. Kaya mahal na mahal 'yan ni Jace e.

"O, saluhan mo na kami rito," ani Lana sabay angat ng bitbit niya.

"Sus, alam ko namang kulang pa sa inyo 'yan e. Besides, may lunch date kami ni Tony."

Papalabas na ako ng opisina ni Jace nang magsalita siya. "Hey, Jacky! Two pm, you need to be there." Kunot noong tinignan ko siya. I need to be where? "You, know... MVB?" alanganing sagot niya.

Dahan-dahang napatango ako.

Napaka- boy scout talaga ni Jace. Akalain mong may appointment na pala ako roon? Kumusta naman 'yun 'di ba? I rolled my eyes on him.

"Okay, I'll be there."

~*~

"Hi, I'm Jacky Gervacio. I have an appointment with Mr. Buenaventura," bungad ko sa babae sa labas ng opisina ni Maico. Bago na ang narito at mukhang masungit. Mas gusto ko 'yung dating sekretarya niya na sobrang bait. Pagkaka-alala ko nga ay pinsan nila 'yun.

"Just a minute, Ma'am." Walang buhay na sagot niya sa akin saka iniangat ang intercom.

I rolled my eyes at hindi na pinakinggan yung sinasabi niya sa kausap. Papapasukin niya rin naman ako e. Saka wala ba siyang list ng appointments ng amo niya? Mayamaya ay nakita kong ibinaba niya na ang telepono saka tumingin sa akin.

"You may come in now," aniya, tinuturo ang pinto.

Nagkibit ako ng balikat saka nagtungo sa tapat ng pinto.

Nagbigay muna ako ng warning knock saka ako pumasok. Inilibot ang paningin ko sa kwarto. Wala pa ring pinagbago. Parang hindi lumipas ang apat na taon kung titignan mo ang opisina niya. Lumapit ako sa mesa niya at inilapag ang proposal (na gawa ni Jace) at umupo sa harap niya. Ini-email lang sakin ng huli 'yung proposal at pinag-aralan ko pa bago ako pumunta rito.

Napatingin ako sa mesa niya. Mali pala yung sinabi ko kaninang walang nagbago. 'Yung dati kasing picture ko na nasa mesa niya ay napalitan na. Siya na ang naroon kasama si JM. Mukhang ang saya-saya nila sa picture. Siguradong mabuting ama si Maico sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Jacky." Napatingin ako kay Maico nang magsalita siya. Hawak niya anng proposal pero halata namang wala roon ang atensyon niya. "I'll sign up to this merger, in one condition." Tumigil siya sandali at tumitig sa mga mata ko. "Pretend to be JM's mother when he's around. I know it doesn't concern your company and mine but it's my life. He's my life now."

"Teka nga, ano namang kinalaman ng anak mo rito? I thought I came here for a business proposal, not personal."

"JM's in the hospital right now. He's sick as hell. Ayaw niyang kumain, ayaw niyang uminom ng gamot. Ikaw ang hinahanap niya." Tumayo siya at lumapit sa akin. Pagkuwan ay umupo siya sa harap ko. "Please, my son needs you."

Hindi ako makasagot sa kanya. Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan, pero isa lang ang nasa isip ko ngayon... kailangan ako ng bata.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon