Chapter Twenty Seven

153K 2.6K 77
                                    

Napangiti ako nang malapad nang matapos ang pine-paint ko. It's Friday at naisipan kong maghalf-day na lang muna at gawin ang surprise ko para kay Maico sa birthday niya.

Gaya ng dati, ibang saya pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing nagpipinta. Para bang lumilipat ako ng dimensyon. Nagpupunta ako sa isang mundo na ako lang ang tao kasama ang magagandang bagay na pangarap ko. Tulad ng nasa harap ko. Painting 'to ng wedding namin ni Maico. Noong na-surprise ako na ikakasal na pala ako. He's looking at me while smiling habang nakaharap naman ako at hindi maitago ang saya.

Nilagay ko sa isang tabi ang kakatapos lang na painting. It's how we looked like when we got married. Wala mapaglagyan ang kaligayahan.

Nagpalit na ako ng damit para maghandang umuwi. Kinuha ko ang bag ko at tinignan ang cellphone. Nakapatay 'yun. Mukhang deadbat na. Tinignan ko agad ang wall clock mula sa sala.

"Shit."

Hindi ko napansin ang oras. Mag-aalas-nueve na pala ng gabi. Ni hindi na ako nakapaghapunan. Masyado kasi akong na-wili sa ginagawa ko. Mabilis ang ginawa kong pagkilos para umuwi. Siguradong tumatawag na si Maico sa akin. Ang problema, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Pagkasakay ko ng sasakyan, sinaksak ko agad ang cellphone ko. Halos isang minuto rin bago 'yun bumukas. Sunud-sunod na nagdatingan ang mga messages galing kay Maico. Meron ding 7 missed calls na malamang ay naroon na bago pa ma-dead bat 'yung cellphone. Hindi ko tuloy ma-imagine kung ilang beses pa siyang nagtangkang tumawag.


From: Beast

Beauty? Nasaan ka na? Why aren't you answering my call?


Basa ko sa una niyang text. Bandang alas sais pa 'to ng gabi, yung oras na dapat nasa bahay na ako.


From: Beast

I'm starting to worry. Where are you?


Napapikit ako nang mariin doon. Shit. Patay talaga ako pagkauwi ko nito.


From: Beast

Beauty? Please, answer my call dammit! I'm starting to freak out. Tell me you're okay please?


Hindi ko na binasa pa yung ibang texts niya at magre-reply na sana ako pero may message ulit na dumating.


From: Beast

I really hope you're okay but I'm calling the police. Please be okay Beauty.


Tumipa agad ako pagkabasang pagkabasa ko nun. Pag sinabi niya siguradong gagawin niya. Hindi na dapat ma-involve pa ang pulis dito. Masisira ang mga plano ko pag nangyari yun dahil ku-kwestyonin nila ako panigurado.


To: Beast

I'm okay, Beast. Sorry I failed to call. I'm coming home.


Naghintay ako ng reply pero wala akong na-receive. Nai-check ko pa kung na-send nga 'yung message ko at nasend naman. Pero wala pa ring reply. Ilang minuto na ang lumipas wala pa rin. Tumawag na ba siya ng pulis? Hindi niya ba nabasa ang text ko? Baka naman na-delay yung message? Shit. Mababaliw ako nito.

Nagpatuloy lang ako sa mabilis na pagmamaneho at nag-isip ng alibi ko pagdating sa bahay.

"Nagkaroon lang kami ng biglaang meeting ng client kaya masyado akong ginabi... Aist!" Nahampas ko pa ang manibela saka umiling. Pina-practice ko ang sasabihin kay Maico. "Hindi pwede, baka malaman niya kay Jace na wala naman akong pinuntahan na biglaang meeting," bulong ko sa sarili. Nag-isip pa ulit ako ng pwedeng idahilan.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon