Chapter Twenty

196K 3.1K 218
                                    

"Ready na ba ang bride ko?"

Hindi ako makasagot kay Maico. Hindi ko alam ang sasabihin ko. This is too much for me to take. Ang akala ko maghahanda pa lang kami para sa kasal namin pero heto't wala pang beinte kwatro oras kong tinaggap ang wedding proposal niya e ikakasal na agad kami.

Nakakagulat na narito ang lahat. Handang-handa si Maico at ni hindi ko man lang nahulaan na mangyayari ito. Pakiramdam ko tuloy e nananaginip lang ako.

"Ayos ka lang?" tanong ni Maico. Napalitan ng pag-aalala ang hitsura niya. "Nabigla ba kita masyado? Hindi ka pa ba handang magpakasal sa akin?" malungkot na ang mukha niya nang sabihin 'yun.

Umiling ako. Nararamdaman ko na rin ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

"Masaya lang ako," sabi ko. "Hindi ko 'to ine-expect." Luminga ako sa paligid. "Saka... nandito silang lahat." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko pagkasabi nun.

Natawa na lang bigla si Maico at niyakap ako ng mahigpit.

"Tumahan ka na. Masisira ang make-up mo sige ka. Papangit ka sa wedding picture natin."

Naghiwalay lang kami ng yakap nang ayain na si Maico ni Jace papunta sa harap ng altar. Naroon na rin 'yung magkakasal sa amin at handa na. Inakay naman ako ni Aya papunta sa pinakalikod para magsimula na ang seremonyas.

Ngiting-ngiti si Maico habang naghihintay sa harap. Nakatitig lang siya sa akin habang dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kanya. Tumingin ako sa paligid. Lahat sila nakatitig sa akin. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila.

Sinalubong ako ng Mommy ni Maico nang malapit na ako sa altar.

"Sa wakas ay matutuloy na rin ang kasal niyo hija." Niyakap niya ako ng mahigpit saka nagpatuloy. "Alam kong ikaw lang ang magpapaligaya kay Maico. Ikaw ang kumukumpleto sa kanya. Ingatan niyo sana ang isa't-isa."

Matapos 'yun ay iniabot niya na ako kay Maico. Hinalikan pa ni Maico ang kamay ko pagka-abot niya nun.

Nagsimula na ang kasal at syempre nang magtanong ng tututol ang judge ay wala namang nagsalita. Sino pa ba ang pipigil sa amin 'di ba? Apat na taon nang pinlano ang kasal naming dalawa.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa habang ginaganap ang kasal. Mayamaya ay iniabot na kay Maico ang singsing na tanda ng pagmamahalan namin.

"I, Maico Buenaventura, take you, Jackelyn Gervacio to be my wedded wife; to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part."

Hindi ko na napigilang maiyak habang isinusuot niya sa akin ang singsing. Ito pa rin 'yung singsing na pinili namin noon para sana sa kasal namin.

Kinuha ko na ang isa pang singsing at itinapat sa palasingsingan ni Maico.

"I, Jackelyn Gervacio, take you, Maico Buenaventura to be my wedded husband; to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part."

Malapad ang ngiti ni Maico habang isinusuot ko sa kanya ang singsing. Naluluha na rin siya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."

~*~

"Congrats sa inyo!" sabay-sabay na sa bi nina Lana, Aya, Joy at Genna.

"Thank you, girls," naiiyak na sabi ko.

"Grabe. Sobrang dami nang pinagdaanan niyo. Buti naman at sa kasalan din kayo natuloy," ani Genna.

Napangiti ako. "Mabuti at nakarating ka at kumpleto kayo ngayong araw ng kasal ko." Hinawakan ko ang kamay ni Genna na niyakap naman ako bigla.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon