Chapter Fifteen

196K 2.8K 458
                                    

"Jacky... Hon... I'm sorry," ani Anthony habang pilit akong niyayakap.

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Siya pa na akala kong sobrang iginagalag ako. Siya pa na mahal ko ang magsasabi nun.

Pilit ko rin siyang itinutulak papalayo sa akin. Pakiramdam ko ay hindi matatabunan ng simpleng yakap lang ang kung ano mang sinabi niya. Masakit. Masyado 'yung masakit.

"Hon naman. Please... listen to me." Hinawakan niya ako sa pisngi saka pilit na inihaharap sa kanya. "I'm so sorry."

Hindi ako sumagot. Umiwas din agad ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko," aniya.

Doon ako napatingin sa gawi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?

Mukha namang nakuha niya ang pagkakataong 'yon para magpaliwanag sa akin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at nagsimulang magsalita.

"Simula kasi nang bumalik si Maico sa buhay mo, pakiramdam ko ano mang oras ay iiwan mo ako. Hindi mo lang alam kung paanong kada minuto iniisip kong baka gumagawa na ng paraan ang lalaking 'yun para agawin ka sakin. Sobrang natatakot ako, Jacky. Ayokong mawala ka sakin."

Nakatitig lang din ako sa mga mata niya, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Please, Jacky... intindihin mo naman ako."

Matagal lang kaming nakatitig sa isa't-isa. Gusto kong magsalita pero parang ayaw lumabas ng mga 'yun sa bibig ko. Hindi ko rin mahanap ang tamang mga salita para sabihin.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at yayakap sana sa akin.

"Umalis ka na muna..." sa wakas ay may lumabas sa bibig ko. Hinila ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya at lumayo.

"Jacky..."

"Please... Ako naman ang intindihin mo. Umalis ka muna."

Nakatayo lang siya sa harap ko, hindi kumikilos o nagsasalita. Basta ganun lang siya. Nakatitig sa mukha ko.

Mayamaya ay tumango siya. "Okay. Kung 'yan ang gusto mo," aniya saka lumabas ng pinto.

Hindi ko napigilan ang mapaluha ulit pagkasara niya nun. Para bang sinaksak niya muna ako sa dibdib bago siya umalis. Ilusyon lang ba lahat ng nangyari sa loob ng dalawang taon? Hindi ko pa rin ba talaga kilala ang nobyo ko?

Habang tinitignan ko ang picture namin na magkasama sa ibabaw ng TV ay napangiti ako nang mapait. Hindi pa nga kaya siya ang perfect guy na hinahanap ko? O baka naman masyado lang akong naghahanap ng mga bagay na wala naman talagang makapagbibigay sa akin?

~*~

"Nag-start na ba?" tanong ko kay Mae, ang sekretarya ni Jace.

"Naku Miss Jacky, mga kalahating oras na po sila d'yan," sagot niya.

Napapikit ako ng mariin. Shit. Patay ako nito kay Jace. Sa kakaiyak ko kasi kanina hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Tinanghali na ako ng gising at nagmadali lang papunta rito.

"Salamat," sabi ko.

Halos patakbo na ang ginawa kong paglapit sa pinto ng opisina ni Jace. Nagbigay muna ako ng warning knock saka pumasok sa loob.

"I'm sorry I'm late," bungad ko agad sa kanila.

Sabay-sabay na napatingin sa akin sina Jace, Maico at isa pang lalaki na hindi ko kilala. Noong una ay normal lang ang tingin nila sa akin pero nang matitigan nila ang mukha ko ay sabay-sabay na kumunot ang mga noo nila. Ganoon ba kalala ang hitsura ko?

"You okay?" pabulong na tanong ni Maico pagkaupo ko.

Tumango lang ako at inilabas ang presentation na ginawa ko. Hindi naman na nag-insist si Maico na tanungin ako at nagpatuloy na kami sa meeting.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon