Chapter Twenty Three

161K 2.8K 94
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo ko pang tinignan si Anthony. Matapos ang lahat nang nangyari, hindi ko na inaasahang pupunta pa siya rito.

"Jacky, I want to talk to you. Please..." aniya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tapos na ang lahat sa atin. Hindi mo ba maintindihan 'yun? Saka kasal na ako kay Maico. Umalis ka na," sabi ko.

Pumikit siya ng mariin saka tumungo. Mayamaya ay bumuga siya ng hangin saka humarap ulit sa akin.

"Kahit last na, kausapin mo ako. Hindi ba mas okay kung maghihiwalay tayo ng landas na maayos ang lahat? Don't worry, hindi ako mangugulo."

Huminga ako nang malalim at tumitig sa kanya. Mukha namang sincere siya sa sinasabi niya. Saka last naman na, hindi naman siguro masama. Para na rin maging magaang ang pakiramdam ko at mas malaya kong makasama si Maico.

"Okay. After office. Magkita na lang tayo sa dati," sabi ko.

~*~

Alas-sais na nang makarating ako sa paboritong restaurant na pinupuntahan namin ni Anthony. Gaya ng napag-usapan namin, naroon na siya at may naka-reserve nang mesa para sa amin.

"Buti naman pumunta ka," aniya mukhang hindi pa makapaniwala na pumunta nga talaga ako.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya saka naupo sa harap niya.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong ni Anthony.

"Hindi na," sabi ko saka umiling. "Sa bahay na lang ako kakain. Bilisan na lang natin 'to dahil baka hinihintay na ako ng asawa't anak ko."

Ngumiti siya ng mapait. "Talagang inari mo na ang batang 'yun a."

Tumango ako. "Since kasal na kami ni Maico, anak ko na rin si JM. Napamahal na rin naman pati sa akin ang bata. Anyway, ano bang kailangan nating pag-usapan?"

Uminom siya ng wine sandali saka humarap sa akin.

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. Magpaliwanag na rin sana kung okay lang." He paused. Hinihintay ang magiging reaksyon ko. Nang wala siyang makuhang violent reaction sa sakin ay nagpatuloy siya. "'Yung nakita mo, it was the first time since we're together. I admit it wasn't the first time with her but... noong naging tayo, wala talagang ibang babae sa buhay ko. Ikaw lang. Believe me, I really loved you. I still do actually."

Hindi ko malaman kung paano ko sasagutin ang sinabi niya. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako kaya hinintay ko na lang na magpatuloy siya.

"Noong araw na 'yun, sobrang galit ako. Nalaman ko kasi ang tungkol sa pagsama mo kay Maico at sa anak niya sa Bohol. Alam mo yung feeling nun? Ang sakit. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanan na nagsinungaling ka sa akin dahil sa kanya. Kaya nang makita ko si Amber, I thought, kung kaya mong sumama sa ibang lalaki bakit hindi ako sa ibang babae 'di ba?" Ngumiti siya nang mapait. "Habang hinahabol kita noon palabas ng apartment ko sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. Pero nang sabihin mong may nangyari sa inyo ni Maico? It nearly killed me."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ang sama kong babae dahil sa nagawa kong 'yun. Ako pa ang nagalit samantalang ako pa nga ang talagang may kasalanan.

"Alam mo bang hinintay ko na lang talaga ang pagkakataong 'to?" aniya saka malungkot na tumingin sa akin. "That moment when Maico walks into this very restaurant, I knew, I've already lost you. Sa loob ng dalawang taon na magka-relasyon tayo, alam kong pinaniniwala mo lang ang sarili mong mahal mo ako."

"But I did love you!" protesta ko sa sinabi niya. Hindi dahil sa pinapalubag ko ang loob niya kundi dahil minahal ko naman talaga siya.

"No. You didn't. Akala mo lang 'yun. Akala ko rin noong una nagtagumpay na akong mapaibig ka. Pero sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo, alam ko, hindi talaga ako ang nakikita mo."

Umiwas ako ng tingin kay Anthony. Sa loob ng dalawang taon, alam ko sa sarili kong minahal ko siya. Siguro hindi tulad ng pagmamahal ko kay Maico pero kahit paano naman nagkaroon siya ng puwang sa puso ko. Hindi naman ako magdadalawang isip kung hindi 'di ba?

"Masaya ako para sayo. Sa inyo. You really deserve to be happy. At hindi ako ang makapagbibigay sayo ng kaligayahang yun. Si Maico lang."

Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.

"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo. Pero, I really felt bad dahil sa mga sinabi mo—"

"No. Jacky, please... Don't be too hard on yourself because of this. Kasi sa totoo lang, may kasalanan talaga ako."

Nagtatakang tinignan ko lang siya.

"I know Maico went after you." Tumitig siya sa akin tila binabasa kung naintindihan ko ang sinasabi niya. "Sa States. Alam kong sinundan ka niya." Tumungo siya saka huminga ng malalim. "I talked to Hanz. Sabi ko sa kanya na kung darating man si Maico itaboy niya. I don't know kung anong ginawa niya pero effective naman dahil nakita kong umuwi si Maico dito sa PIlipinas... na hindi ka kasama."

Sumandal ako sa upuan ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa araw na 'to. Parang gusto ko nang sapakin si Anthony dahil sa pagpapahirap niya sa akin.

"Jacky... I'm really sorry sa lahat. Naiintindihan ko kung magagalit ka sa akin habambuhay pero sana tignan mo rin ang side ko. Kung bakit ko nagawa ang mga 'yun."

Ilang taong ang nasayang. Ilang taon na akala namin ni Maico ay pagkakamali lang namin. May iba pa palang dahilan.

Tumango lang ako. This is too much for me to take.

"Uuwi na ako," sabi ko na lang.

Hindi siya nagprotesta at sumang-ayon na lang sa pag-alis ko.

Inihatid ako ni Anthony hanggang sa kotse ko. Bago ako makasakay ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi na ako nakapalag at hinayaan na lang siya.

"Salamat Jacky, at least sa pagbibigay mo ng chance na kausapin kita," aniya bago bumitaw sa akin.

Mapapatawad ko naman siguro siya sa mga nangyari. Hindi lang ngayon.

Hindi agad ako sumakay ng kotse nang tumalikod siya. Hinintay ko na lang siya makalayo saka ako umalis sa lugar na iyon.

~*~

"Mama!"

Sinalubong ako ni JM sa pinto. Nakakawala ng stress ang cute niyang mukha. Lalo na ngayon na niyakap niya agad ako pagkalapit niya.

"How's my baby?" tanong ko.

"Okay aman ako, Mama! May stars ako o!" ani JM saka ipinakita sa akin yung braso niya na may tatak na tatlong stars.

"Wow! Ang galing naman ng baby ko!"

"Where's my kiss?"

Naiiling na tumawa ako saka siya hinalikan sa pisngi.

"Mukhang nagkakatuwaan ang mag-ina ko a?" napalingon kami ni JM kay Maico na ngayon ay kararating lang din.

Nginitian ko siya saka nilapitan. Iniabot ko sa kanya si JM nang mapansin kong may aso pala siyang dala.

"Betty!" si JM. Mabilis pa siyang tumalon mula sa pagkakabuhat ni Maico saka nilaro ang aso. I think Pomeranian yun.

Iniyakap ko ang isang braso ko sa beywang ni Maico saka pinagmasdan si JM at ang aso.

"Kaninong aso 'yan?" tanong ko.

"Anak din natin 'yan. Si Betty. Pinaalagaan ko lang pansamantala kay Mica. Binawi ko na since nandito na ang Mama niya."

Natawa ako bigla. "Anak natin 'yan?" naaaliw pang sabi ko saka tinignan si Maico. "In fairness ha, ang cute. Kamukha ng ama niya."

Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ng mahigpit ni Maico. Sa sobrang higpit nun ay halos hindi na ako makahinga. Pero hindi ako nag-protesta. Somehow, nawala ang lahat ng sama ng loob ko sa mga narinig ko kanina dahil lang sa yakap na 'to.

Gumati ako ng yakap at isinandal ko pa ang ulo ko sa dibdib niya.

"Baeast?" tawag ko kay Maico.

"Hmmn?" aniya mula sa pagkakasubsob sa buhok ko.

"I love you... before, now, and 'til there's no more air in my lungs."

Tumawa siya saka humalik sa mga labi ko.

"Ang drama mo Mrs Buenaventura! But you know I love you more, right?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon