Chapter Sixteen

199K 3.1K 831
                                    

"Happy birthday Jace!" bati ko agad pagkalapit ko sa mag-asawa. "At happy anniversary sa inyong dalawa. Tibay niyo a? Kelan ba kayo maghihiwalay?" biro ko.

"Asa. Hindi mo kami mapaglalayo ng Tommy ko 'no!" ani Lana.

Biyernes ngayon at narito kami sa bahay nina Lana para sa celebration. Pili lang 'yung mga bisita nila. Malalapit lang na kaibigan at ilang kamag-anak. Nagsisidatingan pa lang ang mga bisita tulad ko.

"Happy birthday Pare!"

Napalingon agad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Maico. Kinamayan niya pa si Jace saka lumapit kay Lana at kinamayan din ito. "Happy anniversary," nakangiting sabi niya. "Dapat magpasalamat kayo sa'kin. Kung hindi ko ibinalik 'tong si Lana e 'di wala kayong ice-celebrate!" ani Maico sabay tawa.

"Hoy, 'di ko pa rin nakakalimutan 'yan ha! Mag-ingat-ingat ka baka bigla kitang saksakin sa likod!" sabi naman ni Jace, halatang nagbibiro lang.

Umalis ako sa harap nilang tatlo dahil una, nakita kong paparating sina Aya at Joy. Pangalawa, naiinis ako na parang hindi man lang nakita ni Maico ang existence ko roon kanina.

"Bad trip?" ani Aya pagkalapit na pagkalapit ko.

Nagkibit balikat lang ako saka ko sila niyakap nang mahigpit.

"Err... hindi ako makahinga," si Joy.

"Hmmp!" binitawan ko sila bigla saka ngumuso.

Sabay pa silang nagtawanan saka hinawakan ako sa magkabilang braso at naglakad muli pabalik sa kinaroroonan nina Lana, Jace at Maico.

"Happy happy sa inyo! Alam niyo na ang ibig kong sabihin!" sabi ni Aya saka yumakap kay Lana. Ganun din ang ginawa ni Joy saka kinamayan si Jace.

"Whoah!" biglang sabi ni Aya pagkakita kay Maico. "Gwapo natin ngayon a?" aniya pa saka siniko-siko si Maico.

Tatawa-tawa lang si Maico at nakatingin sa akin.

"Musta Tsong? Ilan na asawa mo?" Hinampas-hampas pa ni Aya 'yung braso ni Maico na parang siga sa kanto.

Tumawa pa lalo si Maico. "Hindi pa naman kayo nag-abay sa kasal ko 'di ba? Ibig sabihin wala pa," ani Maico.

"Kukunin mo kaming abay? Flower girl ako! Panagarap ko 'yun!" si Aya pa rin. Kahit kelan talaga 'yang babaeng 'yan. Hindi kasi naging flower girl nung bata kaya ganyan lagi sinasabi niya 'pag may nagyayaya sa kanya na pumunta sa kasal.

"Flower girl?" tanong ni Maico. "Well, pwede naman siguro? Tanungin mo na rin siguro si Jacky kung okay lang sa kanya."

Natahimik lahat sa sinabi ni Maico. Mayamaya ay sabay-sabay silang tumingin sa akin sa nagtatanong na mga mata.

"Mapagbiro talaga 'yang si Maico. Hindi pa ba kayo sanay?" sabi ko.

Wala na lang nag-react pa ulit hanggang sa dumating si Genna at nakigulo.

~*~

"Hindi mo man lang sinasabi. Bumalik na pala sa buhay mo 'yang si Maico," ani Aya habang nasa isang sulok kami pagkatapos kumain.

Bumuntog-hininga lang ako.

"Whoah, may something sa hingang 'yun a," ani Genna. "'Wag mong sabihin na hindi joke 'yung sinabi ni Maico kanina? Magpapakasal na kayo ni Anthony 'di ba?"

Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang dahilan kung bakit bigla-bigla na lang ay magpapakasal na kami ni Anthony. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na ilang beses nang nag-propose ang huli.

Three weeks na rin ang nakalipas simula noong pinaalis ko sa apartment ko si Anthony. Ilang beses na rin siyang lumapit sa akin at sinabi ko sa kanyang bigyan pa ako ng oras. Okay lang naman sa kanya at lumayo siya, though nagte-text pa rin siya sa akin paminsan-minsan.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon