Chapter 38: Waiting..

458K 4.7K 405
                                    

ZACH

Nagluluto ako ng pagkain ko para ngayon, wala kasi si Charmaine. Ewan ko ba kung magiging masarap tong luto ko eh, lalagyan ko na ng toyo yung niluluto ko ng biglang nagring yung phone ko. Shit! Di ko alam kung anong uunahin ko, baka masunog tong niluluto ko. Pero dahil hindi ako mapakali, pinatay ko muna yung apoy tsaka ko kinuha yung cellphone ko sa sala.

Gene is calling..

Agad ko naming sinagot yung tawag nya. "Hello? Bakit? Nagluluto ako!" Inis na sagot ko sakanya.

"Dude, mamaya na ang luto luto. Pumunta ka nalang dito sa hospital! Nag aagaw buhay si Liam!" Sabi ni Gene sakin. Seryoso ba tong mga sinasabi nya?!

"Wag mo nga kong lokohin! Ano ba talaga kailangan mo?" Inis na tanong ko sakanya, nakikipag lokohan pa tong sira ulo na eh.

"Gago ka ba? Hindi naman ako tatawag ng ganto kung hindi totoo eh! Pumunta ka na ditto! Mamaya mawala na si Liam, hindi man lang tayo nakapag paalam sakanya!" Shit! Mukhang seryoso nga tong si Gene.

"Sige, pupunta na ko. Text mo sakin kung saang hospital." Sabi ko at binaba ko na yung tawag.

Woo! Nagugutom ako, pero syempre kaibigan ko yun si Liam. Kahit gago yun pupuntahan ko padin yun. Pero bakit naman nag kaganun yun at nag aagaw buhay?! Shit! Di naman pwede to. Wala naming iwanan! Iniwan ko yung niluluto kong pagkain dun. Tinakpan ko na yung hindi pa lutong adobo. Tetext ko nalang si Charm na emergency at sumunod nalan sya sa hospital. Baka kasi mag tampo yun eh.

Sumakay na ko sa kotse ko at nag drive na papunta dun sa hospital kung nasaan si Liam. Medyo kinakabahan ako, hindi lang ako makapaniwala na si Liam mag aagaw buhay. Ano bang kagaguhang ginawa nun na ospital yun? Minsan talaga may pag ka tanga din yun eh.

Mga ilang minute nandito na din ako sa hospital, tinanong ko kung anong room number ni Liam at agad akong pumunta dun. Pag bukas ko ng pinto, nandun si Gene at Jeric nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. What the?! Bakit parang hindi naman sila.. sira ulo talaga tong mga to.

"Ayan ka na pala eh." Sabi ni Gene at tumayo.

Lumapit naman agad ako kay Liam na nakahiga sa hospital bed at may bandage sa ulo, may mga sugat sugat din sya sa mukha nya. Tumingin naman ako kay Gene at Jeric. "Anong nangyari dito? Akala ko nag aagaw buhay na tapos kayo, parelax relax lang?"

"Syempre, biro lang yung nag aagaw buhay para pumunta ka na dito." Sabi ni Gene at natawa.

"Miss na din kasi kita, Zach." Sabi ni Jeric. Tss bading talaga. Mga sira ulo. Nag aalala din ako kay Liam syempre kaibigan ko yan.

"Ano bang nangyari kay Liam?" Tanong ko sakanila.

"Nabangga nga. Hindi ko alam kung bakit nabangga yan, basta ang sabi ni Tita bantayan muna naming kasi may pupuntahan daw sya. Okay naman si Liam! Hindi naman ganun kalakas tama nya." Sabi ni Jeric at kumain ng cheetos.

"Sira ulo talaga kayo! Akala ko nag aagaw buhay talaga. Nagluluto pa naman ako ng ulam naming tapos iniwan ko kasi akala ko nag aagaw buhay na!" Sabi ko sakanila.

"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman yung dalawa. Tumabi naman ako sa kanilang dalawa at nakikain nadin. Langya! Gutom na gutom na ko. Dapat pala nag drive thru nalang muna din ako. Pero ayos lang naman may pag kain naman sila dito.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kwekwentuhan nila Gene ng may narinig kami umungol. Napalingon naman kami kung nasaan si Liam. Minulat nya na yung mga mata nya at parang nagtataka sya kung nasan sya. Lumapit naman kaming tatlo sakanya.

"Goodafternoon dude! Kamusta tulog?" Tanong ni Jeric sakanya. Tinignan nya lang si Jeric at nilobot yung mata nya na parang may hinahanap. Tumingin naman sya ulit samin at kumunot yung noo nya.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon