Chapter Seventeen

189K 3K 237
                                    

Dahan-dahan kong binagalan ang pagmamaneho nang tuluyan nang makalayo sa apartment ni Anthony. That asshole! I shouldn't have trust him anyway!

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Naalala ko 'yung hitsura niya bago ako umalis. Hindi ko mapigilang makaramdam guilt dahil alam ko sa sarili kong ginawa ko rin 'yun sa kanya with Maico.

Speaking of Maico, kailangan ko nga pala siyang tawagan. Well, balak ko naman talaga siyang puntahan pagkagaling kay Anthony pero baka wala pa siya sa bahay niya. Kanina kasing tumawag ako roon ang sabi ng katulong ay wala siya.

Naka ilang ring din 'yun nang biglang maputol 'yung linya. E? Pinagbabaan ako ng telepono? Kunot noong tinitigan ko 'yung cellphone at ibinaba na lang sa passenger's seat. Problema nun?

Nakatingin lang ako sa daan nang mag-ring ang cellphone ko. Basta ko na lang 'yun kinuha at sinagot ng walang anu-ano.

"Maico?" sabi ko agad.

"Hi, baby, I miss you soooo much!" sabi ng nasa kabilang linya.

I rolled my eyes. "Peste," sabi ko.

"Ha-ha-ha! Gaga! Maka 'Maico' naman kasi wagas? Ano 'yan, lahat ng caller ID ng cellphone mo 'Maico' ang nakalagay?" Tumawa pa lalo siya pagkatapos.

"Shut up, Aya! What do you want?" Yeah, it's Aya. Kahit hindi ko tignan 'yung caller ID kilala ko 'yung kairitang boses niya. No, I'm just kidding. Ang cute kasi ng boses niya sa telepono.

"Jacky—" simula niya sa malungkot na boses.

Kinakabahan namang napaangat ang likod ko. "Bakit? Anong nangyari?" sabi ko sa nagpapanic na boses.

Humikbi siya. "Na-nagu—" tumigil siya saglit at naghintay naman akong magsalita siya ulit. "Na-nagugutom na ako. Libre mo naman akong lunch," pagtatapos niya.

"Bruha ka talaga!" sabi ko matapos siyang tumawa. "Pasalamat ka kailangan ko ng kausap, kundi!"

"Yey! Thank you Jac! Saan tayo?"

~*~

Nagkita kami ni Aya sa Megamall. Hindi nga halatang excited siya e, sobrang bilis nakarating doon.

"Order na tayo dali!" aniya.

"Kalma lang Aya! Hindi ka mauubusan!"

"E gutom na gutom na nga kasi ako. Gusto ko ng six pieces na wings," aniya.

Napailing na lang ako at binili ang gusto niya. Bumili na lang rin ako ng para sa akin dahil siguradong kulang pa sa kanya ang pagkain na 'yun. May anaconda 'yan sa tiyan e.

"So, anong problema? Bakit kailangan mo ng kausap?" tanong ni Aya. Kababalik ko lang sa mesa namin at fifteen minutes pa bago dumating ang order namin.

"Si Anthony—"

"O? Anong problema sa fiancé mo?" kunot noong tanong niya.

"Well, for the record, he's not my fiancé anymore. That asshole," galit na sabi ko. "I've just run into him earlier while he's fucking his colleague."

"Oh my God," si Aya.

Sandaling natahimik kami at nakatitig lang siya sa akin, gulat na gulat.

"You should be crying right now, you know," ani Aya habang nakatitig sa akin.

"Why should I?".

"He's your fuckin' fiancé and you've just found out that he's cheating on you. Isn't that enough reason to cry?"

Tumawa ako sa sinabi ni Aya. "'Wag ka ngang magpatawa d'yan."

"Are you serious? Lagi mo siyang ipinagmamalaki sa amin for the two past years. Na kesyo he's the one, he's a perfect gentleman, a perfect boyfriend, and such tapos ngayon sasabihin mong nagpapatawa ako?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon