Sh~30

1.4K 48 9
                                    

Sorry for the lame and delayed update. As usual, busy life ang author. Just bear with me guys. Thank you, for always reading my stories. Keep on reading because I'll keep on writing no matter what.

"Ms. LIE DETECTOR" is still updating. Basahin nyo rin po iyon. I'm sure mage-enjoy din kayo sa story na 'yon.

Okay. Thanks. Vote. Comment.

_______________________________________________________________________________

Ara's Povs~

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na harapin ang problema ko kay Bang at lalong-lalo na ang nangyari din sa 'min ni Mika dahil sa hindi inaasahang problemang dumating. Nawala ang asawa ni Thomas pagkatapos mag-away ng mga ito noong galing kami sa bar. Hindi ko rin puwedeng basta pabayaan na lang si Thomas lalo na ngayong may kinakaharap na problema at 'yon ay dahil sa paglabas namin noong nakaraang araw upang samahan ako at tulungan sa problema ko.

Kinailangan ko muna ipatigil ang pagpapamanman kina Richard at Bang para pagtuunan ng pansin ng detective na si Mr. Santillan ang totoong nangyari sa likod ng pagkawala ng asawa ni Thomas. Hindi naman nagtagal ay nakita naman ang babae.

Natuwa kami kahit papaano kay Thomas, lalo na ako, dahil siyempre ayaw kong maghiwalay sila at para rin magkaroon na ng pagkakataon si Thomas na suyuin ulit ang asawa at ipangako rito na dina gagawa ng ikakasama ng loob nito.

Isang araw ay abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa. Lunchtime iyon at katatapos lang naming mag-usap ng secretary ko. Nagpaalam ang babae na magli-leave pansamantala. Yeah, right. lahat na lang ng tao dito nag-leave, pati si Mika di ko na mahagilap laging wala, tanging secretary lang niya ang laging nasa office nila. Di ko na rin siya makontak, gusto ko siyang kumustahin I know she was angry 'til now lalo na 'yong hindi sinadyang nangyari sa bar. 'Nuxx, hindi talaga sinasadya, ha? So, parang tinadhana lang kayong mag-make out sa restroom, ganern?' tuya ni ego.

Since that incidence happened hindi na kami nagkaroon ng oras na makapag-usap ni Mika. Iniiwasan niya ako and she was absent for more than a weeks now. I actually want to punched myself for putting her in tis situation. But, siguro tadhana na rin dahil kaibigan pala niya si Richard. At ang masaklap na katotohanan ay 'nong malaman kong siya rin ang tumulong kay Richard para maagaw si Bang sa 'kin.

What a small world. Bilog ang mundo. Pero, there were some realization that always bothering me until now and it's all because of Mika. Realization that made me think na siya din pala ang gusto ko even after Bang kissed me. Realization where I sacrifice Mika over dito sa planong pagtulong ko din kay Tita Bha which is to save Bang's from his sydicate and bastard boyfriend. Kung wala lang sa peligro ang situation ni Bang, di sana masaya ako sa piling ni Mika. Natuloy ko sana ang panliligaw sa kanya no'n. Haiyst! buhay nga naman talaga parang life lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng ibabaw ng aking desk nang tumunog ang aking cell phone na nasa isang bahagi ng desk. Sinagot ko ang tawag. "Hey."

"How are you, handsome-gorgeous?" Boses iyon ng dati kong nobya na nagpasulot sa iba.

"I'm doing good," malamyang tugon ko. "And you?"

Isang problemadong buntong-hininga ang narinig ko sa kabilang linya.

"Si Richard."

Isang mahabang hitit sa aking sigarilyo ang ginawa ko bago nagsalita, kasabay ang pagbuga ng makapal na usok. "Ano'ng problema?"

"Richard thinks we're not meant for each other."

Napaubo ako sa narinig.

"Puwede ba tayong magkita? Mag-usap tayo, kahit sandali lang."

~STOP HIDING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon