Sh~23

1.4K 45 13
                                    

Hello, Good Afternoon Readers, it's been days now na hindi ako naka-update for this story. Sorry po, I was busy with my work and with my other story "TAKE CHANCES".

Keep on reading all my stories as well as my new story. Enjoy and have fun!

Write your comments and vote for this story.




Mika's Povs~

Isinara ko ang pinto mula sa loob. Nang ilibot ko ang paningin sa kabuan ng unit, tukso na ang aking mga nakikita ko, It all reminds me of Ara.

Sa sofa ay parang nakikita ko na nakaupo roon si Ara. Sa dining, sa kusina, naroroon din ang imahen ng dalaga. Lalo na nang silipin ko ang bahagyang nakabukas na pinto ng master's bedroom. 'In-imagine mo na naroroon si Ara sa loob...'

I blinked as many times I could at kulang na lang ay iuntog ko ulo ko sa pader sa mga kagagahang pumapasok sa aking kukote. Iba na talaga ang nangyayari sa akin. God, this can't be happening.



Ara's Povs~

Bumalik ako agad sa unit ko. And I have no idea whats happening to me. Maybe, I might asked sorry for what happened earlier. Oo, tama magso-sorry ako kay Mika.  I was already standing at the front door but wasn't able to knock. Nakatitig lang ako sa nakasarang pinto.

Nai-imagine ko nang mga sandaling ito si Mika na sinisipat ang kabuuan ng aking unit. I could imagine her sitting on my couch. Eating at my dining table. Cooking in my kitchen. Even sleeping on my bed. And naked in my bathroom. 'Pervert'

Parang mas inaaalala ko pa si Mika kaysa kay Bang na apat na taon ko din nakarelasyon.

I know naging unfair ako noon kay Bang lalo na sa huling taon ng relasyon namin. Palagi ko kasing inuuna ang trabaho na nakakalimutan ko na minsan ang mga importanteng araw namin. Hindi ako minsan nakakarating nang tama sa oras ng date namin. Bumabawi na lang ako sa mga mamahaling regalo at kapag magkasama na kami sa kama.

'Mali ito. Maling-mali' tama ka ego. Di ako dapat naguguluhan, I have to stick with my plan. Sarap ko talagang dagukan.

Mabilis kong nilisan ang condo. May kakatagpuin pa ako mula rito. Kaka-text lang ng private detective na si Mr. Santillan. Naroroon na raw ito sa bahay namin sa Angeles at maghihintay na lamang sa aking pagdating.

Saglit ko munang itinaboy sa isipan ko si Mika at ang aming setup. Mahalaga ring pagtuunan ko ng pansin ang aking ipinalalakad kay Mr. Santillan dahil doon nakasalalay ang kapanatagan ng aking loob.

"Medyo questionable ang ilang information tungkol sa Richard Juan na pinaiimbestigahan mo, Ara. May ilang mga negosyo siyang ginagamit bilang front sa pagbebenta nila ng mga hindi lisensiyadong baril. Malakas lang ang padrino niya kaya hindi sila nakukuwestiyon ng City Government."

"Nasa panganib nga pala si Bang, kung gano'n. Tama ang kutob ko sa Richard Juan na 'yon."

"Mukhang gano'n na nga, iha. Parang walang alam ang nobya ni Richard sa mga activity niya."

"Keep an eye on them kung gano'n. Hanggang sa mailayo ko sa Richard na 'yon si Bang. Keep me posted as often as possible."

"I will, iha. Don't worry, may tig-iisang tauhan ako na nakabantay sa kilos ng dalawang iyon pagkalapag pa lang nila dito sa Pinas."

"Good."

Nang magpaalam si Mr. Santillan, saka pa lang ako umakyat sa kuwarto na inookupa ko. Laman pa rin ng aking isip ang isiniwalat na impormasyon ni Mr. Santillan. Kailangan kong mailayo si Bang sa boyfriend niya baka kung mapaano pa siya.


~STOP HIDING~Where stories live. Discover now