Sh~2

1.8K 52 0
                                    

Walang kasawaang pinagmasdan ni Mika ang kalakhang Maynila. Marami nang ipinagbago sa lugar sa nakalipas na pitong taon. Ilang malls ang kanyang namataan habang biyahe na dati ay wala naman. Himalang na miss niya ang matinding traffic sa Pilipinas.

Pinakiusapan niya ang driver na kung maaari ay buksan niya ang bintana. Gusto niyang samyuhin ang amoy ng Manila kahit puno iyon ng usok at pollution. Mainit ang singaw ng kalsada pero walang kaso sa kanya. Ang tanging gusto niya ay i-welcome ang sarili sa pagbabalik sa bansa.

Kasiyahan ang nakita ni Mika na rumehistro sa mukha ni Manang Cora nang mapagbuksan siya ng pinto. Mahigpit itong yumakap sa kanya.

Mika Povs~

"Bunso, kumusta ka na?" Bunso ang tawag sa akin ng mayordoma namin dahil siyempre ako ang bunso sa family namin. "Ang tagal mong nawala. Miss na miss na kita."

"Namiss ko rin po kayo, Manang," teary-eyed na saad ko. Sadyang malapit lang talaga ako kay Manang Cora dahil bata pa lang ako ay mayordoma na ito sa bahay namin at parang anak na ang turing niya sa akin.

"Ikaw na bata ka. Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi at nang nakapaghanda kami sa pagdating mo?" Kinuha nito ang aking mga bag na nakalapag sa sahig.

"Ako na po, Manang. Mabigat ito."
Marahang tinabig ni Manang ang aking kamay. "Diyaskeng bata ito. Ang tagal mong nawala at gusto ko naman na pagsilbihan ka. Aba, matagal din akong nangulila sayo."

Isa-isang ipinakilala ako ni Manang sa iba pang kasambahay. Ang sabi ni Manang Cora pinalitan na raw lahat ang mga dating katulong mula nang umalis ako. Hindi ko na ipinagtaka ang bagay na iyon. Pumasok na talaga sa isipan ko na iyon ang gagawing action ng mga magulang ko.

Tiningnan ko ang malaking family picture na nakadisplay sa gitna ng aming malaking sala. Parehong nakangiti ang aking mga magulang habang ang akong kakambal na si Mikaela ay tila nahihiya pa sa camera.

Sadyang mahiyain ang aking kakambal. Hindi tulad ko na lumaking malakas ang loob at may self-confidence. Kung titingnan, hindi kame mapagkakamalang magkapatid. Malayong-malayo kasi ang histura naming dalawa. Maputi ako at medyo bilugan ang pangangatawan ko, habang si Mikaela naman ay morena at balingkinitan.

"Bunso, umakyat ka na muna sa kuwarto mo at nang makapagpahinga." Hinila na ako ni Manang Cora paakyat sa hagdan. "Hindi ko iniba ang ayos ng iyong silid. Palagi ko ring mini-maintain ang paglilinis doon para sa muli mong pagbabalik," masiglang sabi nito sa akin bagaman alam ko na gusto lang akong pasayahin ni Manang Cora.

"Salamat po, Manang," mahinang saad ko. Ngumiti lang ako kahit pilit lamang. Hindi kasi maalis sa isip ko ang nakitang larawan ng family ko. Hanggang sa huling pagkakataon ay itsa-puwera pa rin ako sa pamilya. Sa dinami-rami ng potraits at pictures sa sala, wala man lang akong nakita kahit isa sa mga larawan ko.

"Ipapatawag na lang kita kapag handa na ang hapag," ani Manang Cora nang makapasok na ako sa aking silid.

Malungkot na inilibot ko ang aking tingin sa buong silid. Ang apat na dingding ng kuwartong ito ang naging saksi sa aking kabataan. Tandang-tanda ko pang ganito pa rin ang ayos ng aking silid seven years ago. Ang aking mga manyika ay maayos pa ring nakapatas sa tokador, gayundin ang collections ko na mga libro at figurine displays. Maging ang poster na kinahumalingan kong boy bands na backstreet boys noon ay nakadikit pa sa dingding.

Tinungo ko ang aking walk-in closet. Maayos na naka-hanger ang aking mga damit. Nakahilera sa ibaba ang aking mga sapatos. Tanda ko ang lahat ng pares dahil lahat ng mga ito ay paborito ko.

Umupo muna ako sa malambot kong kama. Maging ang amoy ng buong silid ay kaparehas ng amoy noong dito pa ako nakatira. Inalis ko ang mga laman ng bagahe ko at inayos ito, pagkatapos ay naligo at nagbihis na ako.

Tamang-tama lang na pagkatapos kong magbihis nang makarinig ng katok sa labas. Si Manang Cora ang napagbuksan ko.

"Bunso, naghihintay si Attorney Gonzales sayo sa ibaba."

Author's Povs~

SA LIBRARY nagtungo si Mika kasama ang abogado. Matagal na silang magkakilala ni Atty. Gonzales. Madalas kasi ito sa bahay nila noong bata pa siya. Nagsilbi itong pangalawa niyang ama. Hindi siya nawawalan ng pasalubong mula sa abogado tuwing pupunta sa kanila. Sadyang mahilig ito sa mga bata. Malapit din si Atty. Gonzales kay Mikaela bagaman mas malapit pa rin siya sa abogado.

Aloof kasi si Mikaela sa lahat ng tao. Lumaki ito na tila may sariling mundo. Mas gusto nitong magkulong sa kuwarto at magbasa ng libro. Kaya hindi na nakapagtataka kung maging achiever man ito sa eskuwela. Samantalang si Mika ay likas na palakaibigan subalit tamad mag-aral. Madalas pa nga siyang mapagalitan ng teacher dahil nahuhuli siyang hindi nakikinig sa klase. Mabuti na lang at sinasalo siya ng kakambal tuwing hindi niya alam ang sagot sa recitation. They were totally opposites. Ngunit hindi maipagkakaila ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Mika's Povs~

"I came here after I received a call na dumating ka na raw. Welcome home," masiglang bati ng abogado sa akin.

"Thank you po, Tito. It's nice to see you. Guwapo ka pa rin."

"Ikaw talagang bata ka. Ginamitan mo na naman ako ng charm." Nagkatawanan kame.

"What can I do, Tito? Sa talaga namang wala pa ring kupas ang gandang lalaki ninyo."

"Kaya na-miss kita nang sobra. Ikaw lang kasi ang nagsasabi sa akin ng ganyan, except from my mother, of course." Binuksan ni Atty. Gonzales ang attaché case na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"How are you coping?" mayamaya ay seryosong tanong nito sa akin.

"Fine," matabang na sagot ko. Gusto kong ibigay kay Atty. Gonzales ang impression na hindi ko gustong mapag-usapan ang bagay na iyon. Agad naman nitong nakuha ang gusto kong iparating.

Tumikhim si Attorney at isa-isang inilabas ang mga papeles. Sinimulan na nitong basahin ang testamento ng aking ama.

"Ang lahat ng aking maiiwang ari-arian ay paghahatian ng aking dalawang anak na sina Mikaela at Mika Reyes. Ang malaking bahay ay pangangasiwaan nilang dalawa hanggang sa sila ay magkaroon ng mga sariling pamilya. Ang aking shares of stock sa New World Hotel ay kanila ring paghahatian. Ang pera sa bangko ay awtomatikong malilipat sa kanilang mga pangalan."

Marami pang habilin si Papa sa testamento. Hindi nito nakalimutang bigyan ng malaking halaga ang mga naging kasama nila sa bahay. Kahit iyong mga tauhan ng company na matagal na panahon ding nanilbihan at wala na sa kanila ay sadyang ipinahanap nito upang mabigyan ng kaukulang salapi.

"At dahil maging si Mikaela ay wala na, sayo na mapupunta ang lahat ng naiwan ng iyong ama."

Sa nakalipas na mga taon ng paninirahang mag-isa sa ibang bansa ay natutunan ko kung paanong kontrolin ang aking emotion. Sa tuwing naiisip ang mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin, lumalabas ako ng bahay upang sumama sa mga kaibigan. Hindi ko sinayang ang oras sa pagmumukmok. Alam ko na hindi iyon makakatulong. I was not a wimp kaya hindi ko ugaling umiyak. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na napigil ang pagbuhos ng emotion ko. Masaganang dumaloy ang aking luha mula sa aking mga mata.

"Tito, I don't know what to say."
"Hija, sa kabila ng lahat ay mahal ka ni Miguel. Walang sandaling hindi niya inasam na muli kayong magkasama-sama."

"I love him so much, Tito. Nakakalungkot lang na wala ako sa tabi niya sa mga huling sandali ng buhay niya." Tinuyo ko ang aking mga luha.

"Matagal kong tinikis ang taong nagpakita ng pagmamahal sa akin sa kabila ng katotohanang------"

~STOP HIDING~Where stories live. Discover now