Sh~10

1.4K 56 10
                                    


FLASHBACK~

"Wala kang alam kung ano ang nararamdaman ko kaya huwag mo akong sisihin kung maging ganito man ako. Hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko, Miguel, kaya huwag mo akong pagsalitaan nang ganyan," umiiyak na sabi ni Mama.

"Sa tuwing nakikita ko si Mika ay naaalala ko kung paano ako binaboy ng mga lalaking 'yon. Kaya huwag mong ipilit sa akin na mahalin ko ang batang naging dahilan ng aking paghihirap. Dahil sa tuwing nakikita ko si Mika, nakikita ko sa kanya ang mga kriminal na iyon."




Author's Povs~

Niyakap ni Miguel ang asawa nang maging hysterical na ito. Naintindihan niya ang pinagdadaanan ni Maribeth. Pero hindi tamang ibunton ang galit kay Mika dahil sa masamang nagawa ng ama ng huli.

Mag-asawa na sila noon ni Maribeth. Pauwi ito mula sa opisina nang harangin ng ilang kalalakihan, dinala sa isang liblib na lugar at ginahasa. Bugbog at may dalawang saksak pa sa tagiliran nang matagpuan nila si Maribeth. Basta na lamang iniwan ng mga lalaki sa pag-aakalang patay na ito.

Masuwerteng nakaligtas si Maribeth sa dami ng pinsalang natamo sa katawan. Ilang linggo rin itong nanatili sa ospital. Ilang therapy at psychological treatment ang ginawa para manumbalik ang dating sarili. Matapos ang tatlong buwan ay nagsimula na itong makarecover. Nahuli na rin ang mga salarin at sa kasalukuyan ay nakakulong na sa Muntinlupa.

Isang araw ay nagisnan ni Miguel si Maribeth na nagsusuka. Sa takot na baka napaano na ang asawa ay dali-dali niya itong dinala sa ospital. Doon niya nalaman na nagdadalang-tao na pala ang asawa. Tatlong buwan na ang batang nasa sinapupunan nito.

Tuwang-tuwa sila sa magandang balita. Muling bumalik ang dating sigla ni Maribeth. Nadagdagan pa ang kanilang katuwaan nang malamang kambal ang kanilang magiging mga anak. Buwan-buwan silang nagpapa-check up para siguruhing maayos ang lagay ng mga bata sa sinapupunan ni Maribeth.

Laking gulat nila dahil nang isilang ang kambal ay hindi magkamukha. Ipinaliwanag ni Miguel kahit na nga ba ang doktor na ang nagsabi na fraternal twins ang kanilang anak.

Lingid sa kaalaman ni Miguel ay pinakuhanan ni Maribeth ng DNA test ang mga bata, hanggang sa galit na ibinalita ng asawa na hindi siya ang ama ni Mika. Si Mikaela lang ang kanyang anak. Sumangguni sila sa isang specialist at nalaman nila na ang tawag sa ganoong kaso ay Heteropaternal Superfecundation. Sabay na ipinagbuntis ng isang babae ang dalawang bata ngunit sa magkaibang ama. Malamang na buntis na si Maribeth nang magahasa ito. Nagkataong fertile ito nang mga panahong iyon kaya nagbunga ng isa pang binhi.

Hindi matanggap ni Maribeth ang bata. Gusto pa nga nitong ipaampon si Mika pero matigas ang naging pagtanggi ni Miguel. Ibinigay niya kay Mika ang kanyang pangalan at pinag-aral. Sadyang malayo ang loob ng pagkukulang nito sa kanilang anak. Umaasa siyang darating ang araw na mamahalin din nito si Mika. Ngunit nagkamali siya.

"Tama na. Nakakulong na sila. Pinagdusahan na nila ang kanilang mga kasalanan." Galit na itinulak siya ni Maribeth.

"Hindi sapat ang makulong lang sila. Ang dapat sa kanila ay mamatay!" nanlilisik ang mga matang sigaw nito.



Mika's Povs~

Nanginginig ang mga tuhod na nilisan ko ang lugar. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Kaya naman pala mula pagkabata ay ganoon na ang turing sa akin ni Mama. Bunga lang pala ako ng isang pagkakamali. Half sister ko lang pala ang aking twin sister.

~STOP HIDING~Where stories live. Discover now