Sh~11

1.4K 62 5
                                    


Ara's Povs~

ILANG araw na akong hindi kinakausap ni Mika. Kung may kailangan namang ikonsulta ang dalaga ay si Majoy ang pinapapunta nito sa aking office. Though hindi ko naman masisisi si Mika kung maging indifferent ito sa akin. Alam kong nasaktan ito sa mga binitiwan kong salita sa huli naming pag-uusap. Kahit hindi ako pabor sa ginawa nito para sa Manila ay hindi naman tamang pagsalitaan ko ito ng masama. Ayaw ko lang talagang aminin na malaki ang naitulong sa New World ang ginawa ni Mika. Masyado lang po kasing mataas ang aking pride para aminin dito ang bagay na iyon.

Sa katunayan ay dumoble ang kinita namin sa mga nakalipas na araw. Maraming kaming bisita, kalimitan ay kalalakihan siyempre sa pagbabaka-sakaling makilala ng mga ito nang personal ang tanyag na modelo. ang huli nga ay si Jeron Teng, pinakabatang Senador. Malaki ang kagustuhan nitong makilala si Mika. Katunayan ay walang tigil sa pakikipag-coordinate ang staff nito sa amin. Mabuti na lang at out of town si Mika dahil sa ilang TV appearances. Hindi ko gusto na magkadaupang-palad ang dalawa. In his dream! I will not allow that Senator!

"Ma'am Vic, tumawag nga po pala si Miss Mika. Pauwi na raw siya papunta dito."

OMG! agad akong nag-alala sa ibinalita ni Majoy. Kasalukuyan kasing nasa conference room ang senador. May meeting ito kasama ang ilang miyembro ng gabinete. Ang New World ang napiling venue. Dapat ay ipagpasalamat ko ang ginawa ng senador dahil malaking halaga ang iniakyat nito sa amin. Pero sorry to him, hindi ako nasiyahan. Instead, mas kinabahan pa nga ako dahil hindi lang si Ricci Rivero ang magiging karibal ko sa attention ni Mika. Hindi ko gugustuhing magkaroon pa ng isang karibal, lalo na at senador pa ng bansa. Wala na nga akong binatbat kompara kay Ricci, what more kay Sen. Jeron Teng? They are dearly and truly a MAN, for god shake, ano naman laban ko sa kanila? Isa lang akong hamak na gender-queer lang.

Mula nang iwasan ako ni Mika ay na-realize ko na gusto kong ligawan ang dalaga. Iyon mismo ang dahilan kung bakit ayaw kong ituloy ang interview sa Manila. Hindi ko gustong magkalapit sina Mika at Ricci. Ngunit matigas ang ulo ni Mika at itinuloy pa rin ang interview. Magalit man ay wala naman akong magagawa para pigilan ito. Kahit nang malamang constant na nagkikita ang dalawa ay wala akong magawa kundi ang tumanghod at maghintay sa opisina.

"Tell her na magkita kami sa Cassandra restaurant. May importante kaming pag-uusapan," utos ko sa secretary.

Dinampot ko ang telephone at nagpa-reserve sa nasabing restaurant. Nang bumalik si Majoy ay sinabi nitong doon na raw sa restaurant dederetso si Mika. Pagkatapos magbilin sa secretary ay lumabas na ako ng opisina.

Habang biyahe ay nag-iisip ako ng maaaring sabihin kay Mika. Kung paano ba sisimulan ang conversation namin. How can I ask sorry for her.

Mika's Povs~

Eksaktong thirty minutes ay narating ko ang Cassandra restaurant. Matapos sabihin ang pangalan ay iginaya ako ng waiter sa reserved table. Naroon na si Victonara. Tumayo ang dalaga nang makita akong parating. Ipinaghila pa ako nito ng upuan. Siyempre nagpasalamat ako sa kanya. Weird nga lang, ano ba nakain nito? himala gentlegirl na ngayon.

"How was the trip?" tanong ni Ara.

Napatingin ako sa kaharap. Hindi ko inaasahan na tatanungin ako nito tungkol doon. Vocal kasi si Ara sa pagsasabing hindi ako dapat umalis ng Manila at lumiban ng opisina. Kahit na ipinaliwanag ko na kasama ang TV guestings ko sa pagpapabango sa New World ay hindi ito nakinig sa akin. Gayunman, sa huli ay ako pa rin naman ang nasunod.

"It was fine."

"Nabalitaan ko ang success ng issue ng Manila magazine that featured you. Congrats!"

~STOP HIDING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon