Sh 14

1.4K 69 9
                                    


Ara's Povs~

MASAKIT ang ulo ko kinabukasan paggising. Halos mapangalahati ko ang laman nang bote ng Johnny Walker. Wala naman akong balak na magpakalango sa alak, ngunit gusto ko lang malimutan ang nasaksihan kagabi. Paano ba naman si Sen. Jeron Teng nanggaling sa opisina si Mika. He looked so happy. Binati pa nga ako nito nang magkasalubong kami. Gusto ko sanang puntahan si Mika upang komprontahin ngunit sa huling sandali ay napigilan ko ang sarili. Baka lalo lang akong maging katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin nito. Ano na lang sasabihin mo sa kanya aber? Wag kang umasta na jealous boyfriend. Ugh! pati isip ko nakikipagtalo na rin sa akin.

Palabas na ako ng hotel nang makita ko si Mika. Tulad ko ay mukhang pauwi na rin ito. Sumimangot ito pagkakita sa akin. 'Ano bang problema ng babaeng 'to? Aga-aga simangot na mukha niya?' Puna ni ego. Hinintay ko ito hanggang magkasabay kami sa paglalakad.

"Pauwi ka pa lang ba?" tanong ko kay Mika.

"Obvious ba?" pasupladang sagot nito.

"Bakit hindi ka inihatid ni Senator?" Hindi sumagot si Mika at inirapan ako. Ano bang problema nito?

"Mukhang kulang ka sa tulog, ah." Hindi ko rin naitago ang sarcastic sa aking tinig. Eh, sa naiinis ako.

"Nakatulog naman ako kahit paano. What about you? Mukhang may sarili kang party kagabi ah?"

"I might as well enjoy the night. Ginagaya lang kita. Enjoy na enjoy ka kasi sa piling ni Senator. Kunsabagay, big fish nga naman ang nabingwit mo kagabi. Hindi dapat pakawalan." Oo, ako na harsh. Eh, di ko matiis inis ko sa babaeng ito. Paulit-ulit na lang ako. Tss..

Mika's Povs~

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Grabe siya magsalita? Alam kong puyat ka Ara. Pero hindi niya dapat ibinubunton sa akin ang init ng ulo nito. Huwag na huwag itong loloko-loko, lalo na at hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nitong pang-iiwan sa akin kagabi. Nakakita lang ng babae, nang-iwan na, buwisit!

"Bakit hindi ka na lang muna matulog? para maging maayos ang takbo ng utak mo," binilisan ko ang paglalakad upang makaiwas sa kanya. Pero sadya yata gusto nitong sirain ang aking umaga.

"Nakatulog na ako. Salamat kay Johnny."

"Johnny who?"

"Johnny Walker."

Umismid ako. Masisiraan lang ako ng bait kung patuloy pa akong makikipag-usap kay Ara. Baliw na ata ito eh. Ilang sandali pa ay nasa parking lot na kami. Niremote ko ang kotse at papasok na sana ako sa driver's seat ng aking kotse nang pigilan ako ni Ara.

"What the hell is wrong with you? Naka-drugs ka ba? Naging addict ka na ba kaya ka nagkakaganyan?" Singhal ko, sabay tulak ko sa kanya.

"Ang sakit mo namang magsalita. Bakit? Dahil ba may senador ka na?" Balik tanong din nito sa akin.

Kumunot ang aking noo. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"Talaga naman, di ba? Buong gabi na hindi kayo naghihiwalay kagabi. Mukhang nakalimutan mo na nga na ako ang kasama mo." Nasa tono ni Ara ang panunumbat. "Hindi naman kita masisisi. Sino ba naman ako kompara sa isang senador? Natural, mas gusto mo siyang makasama kaysa sa akin. Ganyan naman ang mga tulad mo, di ba? Nagkakandarapa basta may makilala lang na bigating tao."

Mariin akong pumikit. bumilang ako ng hanggang sampu sa isip upang kalmahin ang sarili. Pasalamat ang babaeng ito at wala akong planong maging kriminal. Dahil kung nagkataon, baka kanina ko pa ito binaon ng buhay.

Ano bang klaseng Gentlegirl ang magsasalita nang ganoon sa isang babaeng tulad ko? Simula pa lang ay nahusgahan na ni Ara ang aking pagkatao. Ngunit hindi ko akalaing ganoon kababa ang tingin nito sa akin. Grabe ka, Ara. Sarap mong ibalibag sa pinto. grrrr!

~STOP HIDING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon