Sh~1

3.7K 71 1
                                    


Ara's Povs~

Attorney, are you sure about that?"
Inayos muna ng abogado ang suot na salamin sa mata bago muling nagsalita. "You heard me right, Vic. Ang natitira na lang na pag-aari ng mga Reyes ay ang hotel sa Makati at sa Boracay."

"How did that happen?" Kausap ko kay Atty. Gonzales, ang abogado ng Reyes family. Kilala ang mga Reyes sa bansa dahil sa dami ng business nila mula sa real estate, chains of restaurant, at kung ano-ano pa.

Ang aking ama na si Victor Galang ang business partner ni Miguel Reyes sa New World Hotel na matatagpuan dito sa Makati. Tig-fifty percent sa shares of stock ng hotel ang dalawa. When my father Victor Galang died which was years ago ay sakin niya ipinasa ang pamamahala sa hotel. Of course, the business was doing well. Thank you to Tito Miguel's brilliant ideas. Ang New World Hotel ay maituturing nang isa sa pinakamagandang hotel sa buong bansa.

Author Povs~

Pero kamakailan lang ay nasangkot ang hotel sa isang kontrobersiya. May sex scandal ang isang sikat na artista na naging viral sa internet at sa New World Hotel kinuhanan nang video. Imbes na makatulong ay nakasama pa iyon sa image ng hotel. Kilala kasi ang New World bilang family-friendly hotel. Pero dahil nabahiran ng pangit na image ang New World, marami sa mga customer nila ang nag-check out. Hindi na kasi tumigil ang media sa pagpunta roon upang makakuha ng scoop sa nasabing incident. Ayaw ng mga parokyano nila na pati ang mga ito ay makaladkad sa eskandalo, kaya minabuti na lang na lumipat sa ibang hotel.

"Bago pa man ang accident ay naibenta na ng mag-asawang Reyes ang lahat ng kanilang ari-arian at mga negosyo. Talagang plano na nilang manirahan sa ibang bansa. Sad thing na hindi na nangyari ang bagay na iyon."

Ang tinutukoy ni Atty. Gonzales ay ang plane crash na naging sanhi ng pagkamatay ni Miguel Reyes, kasama ang asawa at isa sa dalawang anak. Papunta noon ang pamilya nila sa Malaysia upang mag-vacation nang pasabugin ng hinihinalang mga terorista ang sinasakyang eroplano. Mahigit dalawang daan ang nawalan ng buhay dahil sa naganap na pagsabog.

Ara's Povs~

"How come na hindi ko alam ang tungkol sa bentahan?" usisa ko kay Attorney.

"Ang papa mo ang nakakaalam. Though, wala naman siyang balak na magdagdag ng negosyo. You know your father. He is a simple man. Hindi niya pinangarap ang maraming yaman. Sapat na sa kanyang nabigyan kayo ng magandang buhay. Kaya kahit inalok siya ni Miguel ay tinanggihan niya ito."

Tama ang abogado sa sinabi. Tulad ng iba ay nanggaling din sa hirap ang family ko. Tauhan lang ni Tito Miguel si Papa. Binata pa sila noon ng aking ama na si Victor at nag-aaral sa college. Nakitaan ito ng potential ni Tito Miguel at binigyan ng magandang position sa company. Paglipas ng mga taon at nakaipon ng pera ay niyaya ni Tito Miguel si Papa na magtayo ng hotel. Sa pagtutulungan nilang dalawa ay mabilis na nagboom ang negosyo.

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Sa katunayan, nang mag-asawa daw si Papa ay si Tito Miguel pa ang sumagot sa lahat ng gastusin. Lalo pang tumibay ang samahan nilang dalawa nang ipanganak ako. Si Tito Miguel naman ang nag-asawa ay todo support rin si Papa sa bestfriend niya.

"Walang sinabi kung kailan ang dating ni Mika. But prepare yourself dahil bilang naiwang anak ni Miguel ay siya na ang magiging kasosyo mo sa New World Hotel."

Kilala ko si Mika. Sino ang hindi makakakilala kay Mika Aereen Reyes gayong sikat na sikat ito bilang model hindi lang sa Asia pero maging sa ibang country. She was just 25 years old malaki na ang pangalan nito sa modeling industry.

~STOP HIDING~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora