Sh~22

1.4K 58 10
                                    

Parang pahaba ng pahaba na ang UD ko. Sorry guys as always baka maboring kayo sa update ko ngayon. Pero, I'm pretty sure na mae-enjoy niyo parin itong Chapter.

Kindly vote and please comments. I really need your reaction guys para sa mga twists ng story na ito.

Enjoy. Thanks for always supporting my story. #KaRa for life 🍉😁


Mika's Povs~

My phone was ringing... Siyempre sino pa ba ang tatawag kundi ang Bff Ciennie ko, makikiusyoso na naman ito I'm sure.

"HOY, MIKA!" Sa lakas ng boses ng kabilang linya, gulat na napatalon ako habang nakaharap sa salamin sa aking silid.

"GRABE KA CIENNIE! Huwag ka ngang sumigaw," of course, sinigawan ko din siya para naman parehas lang kaming mabingi.

"Masyado ka lang excited? Kaya nakalimutan mo na akong balitaan sa unang araw ng pagtulong mo." Tampong sabi niya sa akin. "Por que hindi kita tinawagan at inusisa yesterday ay gaganyan-ganyan ka na."

Hindi ko pinansin ang pamumuna ni Ciennie. "Tapos bukas, magiging busy ka na naman uli. Kung anjan lang ako sasama ako sa mga lakad n'yo ng Victonara na 'yan? Baka mamaya, kung saan-saan na kayo mapadpad, tapos mabalitaan ko lang na. . ."

Kahit hindi ako nakikita ni Ciennie talagang pinandilatan ko siya. "Hindi ko 'to gagawin nang walang pag-iingat, no? Saka hindi ba't ikaw naman ang may ideya ng lahat?"

"At bet na bet mo naman! Sus! Kunwari ka lang yata na nahihirapan at nag-aalala sa kanya pero ang totoo, gusto mo lang talagang makasama si Victonara. Well, ineng, kaunting landi lang kasi kung tutuusin waley si Bang sa'yo, no? Nakita ko sa twitter ang mga pictures niya, ang laki ng bunganga tinalo itong kissable mouth ko, idagdag pa yung ilong niyang padapa. Nahiya tuloy ang 'rayban' shades sa kanya."

"Sobra ka naman Bff, yung totoo may galit ka kay Bang?"

"Hindi naman. Baka malakas lang talaga ang kamandag ng Bang na yan kaya pinag-aagawan siya nina Richard at Victonara. Wow, siya na ang dakil---"

"Ciennie, stop it," I quickly cut her off and deeply sighed. "Hindi ko sure kung kakayanin ko. Kanina, habang nag-uusap kami sa opisina, pinipilit ko lang sarili ko na mag-focus. Kung ano-ano kasi ang nai-imagine ko."

"Kaya mo yan, girl. Ikaw pa? I believe in you."

Natawa ako. "Ikaw talaga ang number one fan ko, Ciennie. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan."

"You don't need to, Bff. Para ka namang others diyan eh."

******

Isang araw bago nakatakdang isagawa ang unang mission ko para kay Ara, magkasama kaming lumuwas sa Clark, Pampanga. Mag-aalas diyes na nang umalis kami sa New World Hotel. More than two hours before we finally arrived at Ara's condo unit in Clark.

Nag-aalangan pa akong bumaba ng sasakyan pero sa daan pa lang ay in-emphasize na ni Ara na hindi ako nito papayagan na sa ibang lugar pansamantalng mag-stay. Ang choice na ibinigay ni Ara sa akin: "Either you stay at my condo alone or you stay with me sa bahay namin sa Angeles. Mas okay nga siguro kung sa bahay ka na lang para hindi ka na mahirapan at may mga katulong doon."

Pinili ko na lamang ang condo dahil mas gusto ko ang mag-isa para malaya kong magawa ang ano mang naisin nang walang iko-consider na kasama na mag-usisa. . . total I'm used to it already, being alone.

Kabado ako habang paakyat kami sa twelfth floor kung saan naroroon ang unit ni Ara. Kung ano-anong eksena ang pumapasok sa isip ko habang papalapit kami sa unit. Mas lalo pang nagkalabo-labo ang aking pakiramdam nang nasa pintuan na kami at sinususian ni Ara ang pinto. 'Perv mo talaga Mika, have you already forgot your mission? Kung ano-ano iniisip mong kalandian jan eh, umayos ka ha!' Jeez, nawawala na naman ako sa sarili ko.


~STOP HIDING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon