Sh~12

1.4K 74 11
                                    

Mika's Povs~

Napasimangot ako. Here we go again with the Ricci issue. Kahit anong isip ay hindi ko alam kung bakit palaging ipinapasok ni Ara sa usapan ang aking kaibigan.

"Halika na nga." Kinuha ko muna ang paper bag na naglalaman ng aking pasalubong.

Pagkaraan ng ilang sandali ay sakay na kami ng koste ni Ara. Nakiusap ako na siya na ang magmaneho. Wala pang limang minuto ay narating na namin ang destination. Nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin si Victonara.

"Let's go." Binuksan ko ang pinto at lumabas na ng sasakyan. Matapos pindutin ang doorbell ay may katulong na nagbukas ng pinto.

"Good morning, Miss Mika," nakangiting bati sa akin ni Diday. Kilala na ako ng mga tao dito dahil sa madalas na pagdalaw. "Tuloy po kayo. Kanina pa po naghihintay ang kaibigan nyo sa loob. Excited nang makita kayo. Kagabi pa iyon hindi makatulog dahil sa sobrang excitement," tuloy-tuloy na pagkukuwento nito.

"Are you sure, okay lang kay Ricci na nandito ako? Kagabi pa pala excited 'yong kaibigan mo," ani Ara habang naglalakad kami papasok sa malaking bahay. Wala akong idea na sa Makati Village din pala nakatira ang mga Rivero.

Ara's Povs~

Isang babaeng nasa fortes na ang edad ang lumapit sa amin. Kahit nakangiti ang babae ay napansin ko na hindi naman iyon umabot sa mga mata nito.

"Hi, Mika," bati ng babae at tumingin sa akin.
"This is my friend Victonara Galang." Bumaling sa akin si Mika. Tapos siya na naman ang pinakilala nito sa akin. "Ara, this is Marie Lopez."

I extended my right hand. "Please to meet you, Ma'am."

"The pleasure is mine. Natutuwa ako at may kasama ka ngayong kaibigan, Mika. Siguradong matutuwa si Cheska," anang babae habang naglalakad.

"Cheska?" nagtatakang ulit ko.
"She's my daughter. Palagi siyang dinadalaw ni Mika. Bakit? Hindi mo ba alam kung bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong din ng ginang.

"How is Cheska doing? Last session na niya, di ba?" tanong ni Mika na halatang iniba ang usapan at ngumiti sa akin.

Napapahiyang napakamot na lang ako sa ulo. Hindi naman pala si Ricci ang nakatakdang dalawin ni Mika. Ugh, nakakahiya ka Victo! Ayan kasi utak mo masyadong madumi.

Tumigil si Mrs. Lopez sa harap ng pinto at muling humarap sa amin. "Medyo masama ang pakiramdam ni Cheska. Ang sabi ng mga doktor, dahil daw iyon sa chemo. Pero malakas ang anak ko kaya hanggang maari ay ayaw niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman."

Niyakap ni Mika ang ginang nang makita ang paghihirap ng loob nito. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan ni Mrs. Lopez. Mahirap talaga para sa isang ina ang sitwasyon na katulad ng kay Cheska.

Nakita namin ang pagliwanag ng mukha ni Cheska nang makita si Mika.

"Ate Mika!" puno ng galak na sambit ng bata. Nakasandal sa headboard ng kama. May suwero sa kamay, suot ang wig na bigay daw ni Mika. Sa bedside table ay naroroon lahat ng mga gamot. Kompleto ang mga gamit sa loob ng silid. May nurse na tumitingin sa kalagayan nito.

Hindi daw kasi gusto ni Cheska na ma-confine nang matagal sa ospital. Napapagod at nabi-bored daw ito. Wala kasing ibang nakikita kundi mga doktor at nurse.

Mika blinked twice. Hindi niya gustong ipakita sa bata na nalulungkot siya. "Hello, little lady! You look fabulous as ever." Tumabi siya ng upo sa kama. "How are you?"

"Okay lang po. Sabi ng doktor, malapit na raw po akong maging cancer-free. Magiging model na rin po ako na kagaya mo, Ate Mika," saad ng bata na puno ng excitement.

~STOP HIDING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon