Sh~6

1.4K 56 1
                                    

Ara's Povs~

Bakit ba hindi pumasok sa isipan ko na baka may nobyo si Mika? Sa angking ganda niya, imposibleng mawalan ito ng karelasyon. I already had three model girlfriend before. Masarap na karelasyon ang mga ito. Bukod sa kinaiinggitan ako ng marami dahil pang-display ang mga naging girlfriend ko, they were also good and playful in bed. Iisa lang actually ang reklamo ko, mahilig magpabili ng kung ano-ano ang mga naging girlfriend ko na model.

Although, may isa naman sa mga naging girlfriend ko which I truly crazy inlove with. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko before. But, sad to say we broke-up, she finds me boring because I don't have that much quality time with her kaya iniwan akong bigo.

But without being judgmental to those model-girlfriends I had, alam kong walang ipinagkaiba si Mika sa kanila.---- pare-pareho lang na gagawin ang lahat kapalit ng pera at kasikatan.

Nagulat ako sa malakas na pagtikhim ni Atty. Gonzales. Kung saan-saan na kasi napunta pag-iisip ko. Hayst! Damn mind! Could you please shut the fuck up?

"O-okay naman, Tito. Naninibago lang, I guess." Nagbaba na lang ako ng tingin sa takot na baka mabasa ng kaharap ko ang nilalaman ng aking isipan. Ugh, shame on me.

"Good to hear that. Bahala ka nang umalalay kay Mika sa mga susunod na araw."

"Tito, is there any chance na makumbinsi mo si Mika na ibenta na lang ang shares niya sa akin?"

Kumunot ang noo ni Atty. Gonzales sa sinabi ko.
"Naisip ko na baka mahirapan lang siya dahil hindi naman siya sanay sa ganito. Gusto ko lang siyang tulungan, in a way."

"Sinabi mo na ba yan sa kanya?" Tumango lang ako bilang sagot

"What did she say?" Ngumiti nang maluwag si Attorney nang hindi ko sinagot ang tanong niya. "Just as I expected. Mahalaga kay Mika ang legacy na naiwan ng kanyang ama. Kaya hindi siya papayag na mawala ang mga bagay na may kinalaman kay Miguel."

"Then she has a funny way of showing it. After seven years, ngayon lang siya nagpakita."

"Maraming nangyari, Vic. At wala ako sa posisyon para ikuwento ang mga nangyari sa loob ng tahanan ng mga Reyes. Ang masasabi ko lang huwag mong husgahan si Mika. Give her the benefit of the doubt. Subukan mong makipaglapit sa kanya. After all, kayo ang magkakasama sa mga susunod na araw."

Tumayo na si Atty. Gonzales at lumabas ng opisina. Naiwan akong napapaisip sa sinabi niya.

Author's Povs~

Hindi naiwasan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Atty. Gonzales habang naglalakad sa kahabaan ng lobby. Isa sa bilin ni Miguel bago ito pumanaw na siya na ang bahalang gumabay kina Mika at Victonara. Sinabi rin ni Miguel ang kagustuhan nitong magkatuluyan ang dalawa...

"Ano sa tingin mo, Kumpadre?" tanong ni Miguel Reyes habang nakaupo sila sa loob ng library. Katatapos lang nitong sabihin kay Atty. Gonzales ang nais na mangyari sa testamento.

Gabi na at nagtaka ang abogado nang makatanggap ng tawag mula kay Miguel. Nagulat na lang siya nang pagdating niya ay sabihin nitong nais nang gawin ang testamento. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa. Bilang abogado ng pamilya ay trabaho niyang sundin ang nais nito.

"Hindi ako sigurado, Kumpadre. Matagal nang wala sa bansa si Mika. Si Vic naman ay abala sa negosyo. Kilala ko ang batang iyon na may mabuting asal. Ako man, gusto ko siya para kay Mika ko pero hindi natin hawak ang mga damdamin nila."

"Noong nabubuhay pa si Victor ay napagkasunduan namin na maging magbalae kami balang-araw. Unfortunately, puro babae naging anak namin pero dahil siguro sa excitement at eagerness naming maging magbalae ayun naging pusong lalaki ang anak ni Victor. Pero it really doesn't matter at all if anong gender preference nila importante ang kanilang nararamdaman, basta masaya kami ni Victor na tuparin ang kasunduan namin. Sayang nga lang at walang gusto sina Mikaela at Vic sa isa't isa. Si Mika ang naisip kong tutupad sa kasunduan namin ni Victor."

~STOP HIDING~Where stories live. Discover now