Sh~4

1.5K 54 4
                                    

Mika's Pov~

"How do you plan to help the hotel?" tanong ni Ara matapos naming kumain. Pinunasan ko muna ng table napkin ang mga labi ko at tumingin sa kaharap ko. "Excuse me?"

"It's not a secret anymore that New World is facing a difficult stage right now. What can you do to address the problem?" aroganteng tanong nito sa akin.

By the look on her handsome yet gorgeous face, nahinuha ko na agad na wala itong tiwala sa kakayahan kong pamahalaan ang hotel. "I just came back from the US. I still have to study everything. By then, I'll answer your question. Mahirap naman kung maging impulsive ako sa pagpapasiya, di ba?"

"Of course. Take your time. But let me just remind you that this is business. Ang lahat ng bagay ay mabilisan. Hindi tulad ng paglalakad mo sa entablado na mabagal lang. Nasa mundo tayo ng negosyo na hindi puwedeng usad-pagong ang bawat kilos at decision."

Pinatunayan lang ng mga sinabi ni Ara ang naisip ko kanina lang. Minamaliit ng babaeng ito ang kakayahan ko bilang negosyante. Gusto ko sanang ipagsigawan sa mukha nito na may shares ako sa lahat ng product na ini-endorse niya. Matagumpay akong negosyante. Hindi nga lang hotel ang pinapatakbo ko kundi isang modeling agency. Kasosyo ko ang aking kaibigan na si Cienne. But she did not deserve to know the details. Hahayaan kong mapahiya ang mukhang lalakeng ito sa sarili oras na malaman nito ang totoo.

I was tired of explaining myself to judgemental people. Dahil sa uri ng trabaho ko kaya hindi maiwasang pag-isipan ako ng masama ng iba. Hindi naman por que modelo at daring manamit ay pakawala na ako. The way I dressed was my way of expressing myself. Sadyang may mga tao lang talaga na makitid ang pag-iisip. Hindi ko akalaing makakaharap ko nang face-to-face, ang isa sa mga iyon. And worst, magiging business partner ko pa. Tss!

"You've been managing New World alone. Matagal nang kumalat ang scandal. Pero mukhang wala namang progress ang image nitong hotel. What did you do to address the problem?" balik-tanong ko sa kanya, with my voice full of sarcasm.

Natameme si Ate Ara sa tanong ko. Sharp tongue! buti nga sa kanya.

"May mga kausap na akong tao para doon. Rest assured that sooner or later, mamamatay rin ang issue," kampanteng sabi niya.

"Iyon naman pala. Bakit kailangan mo pa akong tanungin? Magaling ka naman pala." Tumayo na ako at iniwan ko siyang mag-isa roon.

Para sa isang taong matagal na nanirahan sa ibang bansa, magaling ako sa pananagalog. Huwag nang sabihin pang may matalas akong dila.

Inis kong nilisan ang hotel. Gusto ko pa sanang maglibot at subukan ang amenities sa lugar pero nagbago ang aking isip. Iyon ba ang Vic na madalas ikuwento sa akin ni Mikaela? Bakit ang sabi ni kambal ay mabait daw ang babaeng yun at very gentleman? Nasaan ang mabait doon? Gentleman? Saan banda? Baka gentledog! Pupusta ako na mas bagay tubuan ng pangil para terno na sa pag-uugali niya.

"GOOD morning!" masiglang bati ni Ara sa akin nang magsimula na akong pumasok sa office.     "How do you find your new office?" Inilahad pa nito ang kamay na tila siyang-siya sa ginagawa.

"Ikaw ba ang gumawa nito?" salubong ang mga kilay kong tanong. Hindi naman kasi mukhang opisina ang magiging office ko. It was more like a boutique. May shelf na puno ng mga magazine. May dalawang mannequins na nakasuot ng long gown. Nabother ako sa design ng gown. It was old school. Uso pa ba ang gown na may paddings sa balikat? Nahugot pa yata ito ni Ara sa baul ng lola niya ah. Tsk.

~STOP HIDING~Where stories live. Discover now