Chapter 31: Oh No!!

521K 4.8K 346
                                    

LIAM

Dammit! Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kanina pa ko nag d-drive pero wala naman akong mapuntahan. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya sakin na pagod na sya. Ano naman kayang ginawa ng Matthew na yan kay Kath at bakit na sya ganyan. Kung alam nya lang na pinaalis ko naman talaga si Victoria. Mali yung nakita nya. Pero hindi ko naman sya masisisi kung ganun yung pumasok sa isip nya.

*phone vibrates*

From: Christian Gutierrez

Duuude! Nakagawa na ko ng paraan.

Text ni Chris. Pinsan ko. Alam ko kung ano yung sinasabi nya. Kaya agad akong pumunta sa bahay nila, wala naman akong mapuntahan. Tsaka gusto ko munang lumamig yung ulo ko at gusto ko din na lumamig din muna ulo ni Kath para pag kinausap ko sya mamaya hindi na kami mag sigawan ulit.
Agad naman akong nakapunta sa bahay ni Chris.

"Ano na?" Tanong ko sakanya.

"Oh? Bat ganyan mukha mo?! Hahaha!" Nang-asar pa to.

Si Chris. Sya yung nag text sakin kagabi na nandun si Kath sa bar na may kasama daw na lalaki. Nang na tanggap ko yung text na yun, alam kong si Matthew yung lalaking kasama ni Kath. Kaya nung nalaman ko yun agad ko namang tinawagan si Kath pati yung gago na yun pero walang sumasagot sakanilang dalawa.

Kaya naman pumunta ako sa bar na sinasabi ni Chris kung nasan sya. Pero wala na sila dun, at hindi na daw napansin ni Chris kung saan na nagpunta si Kath pati yung gago na yun. Sinabi sakin ni Chris na umiinom daw si Kath kaya mas lalo akong kinabahan. Tinatawagan ko padin silang dalawa pero wala talagang sumasagot. Kaya agad agad akong pumunta sa bahay ni Matthew. Alam ko kung nasan nakatira si Matthew, kasi nakita ko syang paparating dati. At mag kalapit lang sila ng bahay nila Gene. Nagmadali talaga akong pumunta dun, dahil ramdam kong nandun si Kath.

Ayoko magalit kay Kath pero hindi ko mapigilan. Ayoko talagang kasama nya si Matthew. Hindi alam kung bakit may sumasakit sakin nung nakita kong nakahiga si Kath sa kama ni Matthew. Alam ko galit ako nun. Pero hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako.

"Hoy!" Tinapik ako ni Chris. Tumingin naman ako sakanya.

"Ano na nangyari sainyo ng asawa mo? Nakita mo ba dun sa bahay nung kasama nya?" Tanong nya sakin.

"O-oo." Sabi ko at tumingin sa ibang direksyon. Tangina ayoko ng ganitong pakiramdam.

"Oh? Ha! Anong nangyari?" Kumunot naman yung noo ko. Bat ba ang dami nitong tanong?!

"Lintek! Sabihin mo nalang kung anong paraan yung ginawa mo!" Sabi ko sakanya.

Natawa naman sya. "Well.. May nahanap akong babae kagabi sa bar. Kailangan nya ng trabaho kaya binigyan ko."

"Ano namang paraan yan?!" Parang gago naman. Ano naman kung binigyan nya ng trabaho.

"Trabaho na magiging asawa ko sya pero peke lang naman. See? Nakagawa ako ng paraan para hindi ako makasal kay Stelina. Eh ikaw hindi kana nakagawa, dapat kasi naisip mo to para di ka nakasal sa asawa mo ngayon."

Bigla naman kumunot yung noo ko. Ayaw nya talaga makasal kay Stelina kaya gumawa sya ng paraan. Dapat nga naisip ko din yung paraan na yun. Pero hindi narin naman ako nag sisisi na pumayag ako. Nung una ayoko talaga.

"Do you love your wife?" Tanong sakin ni Chris.

"I-I don't know." Hindi ko naman talaga alam.

"Lul. Kung nakita mo lang yung pag mumukha mo nung sinabi kong wala na sila sa bar. Tsaka halatang nag aalala ka talaga. I know you love her." Sabi nya at natawa.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon