Chapter 11: Upset

963 36 1
                                    

Maxine's POV

Matapos ang nangyari kahapon, hindi 'yon nalaman ni Jude dahil ayaw ko na rin magkagulo pa. Tama na 'yong ako lang ang nasaktan. Kagaya rin kahapon, hindi na naman kami sabay kumain. He also said earlier na hindi niya ako masusundo bukas dahil maaga ang practice nila sa basketball.

Nakakaasar, wala ako magawa. Pumunta ako sa gymnasium para panoorin nalang sila sa practice, pero nabigla ako dahil sa hindi inaasahang matatagpuan doon. He is with that girl, the girl he assured me not to worry about.

Pinupunasan ni Hailey ang pawis ni Jude sa mukha and he looks comfortable with it. Nakita ako ni Hailey nang mapagawi ang tingin niya sa direksyon ko. She just threw me a smile, a sarcastic one. Talagang sinasadya niya kasi kung hindi, dapat titigil siya pero pinagpatuloy niya pa rin.

She suddenly kissed Jude on the lips, I felt like a fool standing there, not knowing what to do. It was just a quick kiss, but I didn't do anything about it. I turned around and ran away, feeling like a complete idiot. As I looked back, I saw Jude standing there, looking at me with a surprise.
I could feel my heart racing, my palms sweating, and my mind going blank.

History time na. Nasa practice pa rin si Jude kaya wala siya dito. Nagpaalam ako kay ma'am at nagsabi na masakit ang ulo ko. With that, I can now go to clinic pero nabigla ako nang makita ko rin si Hailey doon nakahiga at nagpapahinga. Natutulog siya. Pinaupo naman ako ng school nurse sa sofa. Hindi gano'n kasakit ang ulo ko pero nahihilo ako. I think, I just need some rest.

Nagising ako na mag-uuwian na. Mas naramadaman ko ngayon ang hilo. I checked my phone if may any text or missed call from him, pero wala. I stood up at nagpasalamat sa school nurse para makauwi na. She advised na kailangan kong uminom ng gamot before bed time.

Habang naglalakad ako pauwi, naka-receive ako ng message galing kay Jude. He'll be there raw sa waiting shed ng building B dahil may kinuha siya sa locker niya.

Papunta palang ako sa direksyon gawi doon ay nakasalubong ko naman si Sam, "Are you not going home yet?" tanong niya.

Umiling ako, "I'll wait for jude."

"Huh? The gate will close before 4 PM," paalala niya.

"I know, sige una ka na." Hindi na niya ako kinulit pa, umalis na rin siya.

Putcha! Mag a-alas kwarto y medya na, wala pa rin akong nakitang Jude na sabi ay darating. Kung su-swertehin ka nga naman ay umulan pa nang malakas. Wala pa man din akong payong na dala.

Umikot na ang guard at nakita ako, "Miss, umuwi ka na magsasara na ang gate." Sinunod ko nalang ang guard kaysa pagsarahan niya pa ako ng gate at umikot sa building A para lang makalabas.

Kinuha ko ang panyo ko at sinaklob sa ulo ko. Wala rin, basa pa rin naman. Ang tanga ko talaga. Nakauwi ako sa bahay ng ginaw na ginaw, it's my first time na naligo sa ulan at dahil nahihilo ako kanina ngayon nagkasakit na ako nang tuluyan.

Pag-uwi ko, grabe ang inabot kong sermon galing kay Cyan. Mas malala pa 'to manermon kaysa sa magulang ko. Si Lorraine naman nilagyan ng bimpo ang noo ko.

"Next time, mag message ka ha? Para makasabay ka sa amin! Kung hindi mo gagamitin cellphone mo. Benta mo na!" singhal niya.

"Sorry."

"Iyan naman tayo, sorry sige gagaling ka sa kaka-sorry mo," saad pa niya. Natigil lang siya nang marinig niya na may nag-doorbell. Lumabas ng kwarto ko si Cyan.

"Oh shit!"

Nagulat kami pareho ni Lorraine pero hinayaan lang namin, may bisita ata siya.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon