Epilogue

1.1K 30 15
                                    

            Today is our anniversary. Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang, kasama ko lang siya sa bahay. Nagluluto, naglilinis, nangungulit. Nakaka-miss lang talaga. Sa sobrang daming nangyari kahit ako mismo napapaisip paminsan kung panaginip lang ba lahat ng iyon.

Kahapon ko lang din pala nalaman na nahuli na si Richard at ang mga kasabwat nito. Buti naman at may mga witness ding nakuha kaya hindi ko na kailangan pang pumunta. May plano din kasi akong surpresahin ang babaeng pinakamamahal ko.

Hinanda ko 'yung paborito niyang pagkain—ang sinigang na hipon. Pinanood ko lang sa youtube kung paano ito lutuin ng tama. Pagkatapos kong ibalot ay dumeretso na 'ko sa sasakyan para daanan 'yung mango cake na pinagawa ko. Yes, I really want this day to be so special for her.

"Ganda ng ayos natin ngayon sir ah." Pagbati ng pulis. Kilala na niya kasi ako dahil regular visitor naman ako ni Mia.

Nginitian ko lang siya at dumeretso na sa visiting room.

Nilapag ko na sa lamesa 'yung mga pagkain at isang bouquet ng roses. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita siya. Ang ganda pa rin niya kahit na malaki na din ang kanyang tyan. Malapit na lumabas si baby. Days na lang yata ang hihintayin.

"Hi mahal! Ang dami mo yatang dala ngayon." Masayang bati nito. Kagaya ng ginagawa niya, she was supposed to kiss me on my cheek but I kissed her lips instead.

"Masyado kang PDA." Nahihiya nitong sabi.

Sino kaya ang PDA nuong palagi kaming magkasama?

Inalalayan ko siya sa pag-upo at inayos ang kanyang plato. "'Di ba naglilihi ka sa mangga? Kaya mango cake talaga inorder ko."

"Thank you... kanina ko pa nga hinahanap-hanap e."

Inuna niyang alising ang kahon ng cake, kaya naman napatigil ito pagkakita sa nakasulat. 'Will you marry me?'

"Mia..." Sabi ko at kinuha naman ang maliit na kahon mula sa bulsa ko. Lumuhod ako sa harap niya at ipinakita ang singsing. "Sorry kung sa presinto ko pa kailangang gawin 'to... pero ayoko kasing lumabas si baby na hindi pa tayo kasal. Kaya naman Mia... gusto kong marinig mula sa'yo, will you marry me?"

"Kahit saan pa man 'yan, kahit sa pinaka-panget pang lugar, I will always say yes to you..." Naiiyak nitong sagot sabay nagpalakpakan naman ang mga nakapanood.

Sinuot ko sa kanya ang singsing at muli siyang hinalikan sa labi.

This is my fiancé. My future wife.

***

4 years later...

"Daddy! Bilisan mo, susunduin na natin si Mommy." Nagmamadaling sabi ni Jan pagkababa ko sa sasakyan.

Ngayon kasi ang araw ng labas ni Mia, my wife. Nagkataon namang ngayon din ang birthday ng baby girl namin. Madali nitong hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa presinto.

"Bilisan mo na, Daddy!"

"Opo, eto na... andyan lang naman si Mommy e."

Bago pa man kami makapasok ay sinalubong na niya kami. Nagmamadaling tumakbo si Jan at niyakap si Mia. Binuhat niya ito at pinaghahalikan sa pisngi, habang itinabi ko muna ang mga bagahe niya at saka yumakap din ng mahigpit. Finally, magkakasama na kami.

"Halika na baby, uwi na tayo. Sa bahay na tayo magcelebrate ni Mommy." Sabi ko para bumalik na kami sa sasakyan.

"Daddy, may dog!" Pagturo ni Jan sa asong nangangalkal ng basura sa isang tabi. Tinawanan lang namin ito at binitawan muna siya habang inaayos ang mga gamit sa trunk.

"Kumusta naman ang buhay single father?" Tanong ni Mia.

"Mahirap, kasi wala ka." Sabi ko naman at hinawakan siya sa bewang.

"Andito na 'ko mahal, magsasama na ulit tayo... at ngayon nadagdagan pa." Masaya nitong sabi.

"Gawa pa tayo?" Pabiro ko namang sagot kaya napatawa na lamang ito.

"Mommy! Daddy!" Sigaw ni Jan. Wala pa pala siya sa loob ng sasakyan.

"A-anak... bakit..." Gulat kong sabi pagkakita sa kanya. "Bakit puno ka ng dugo? Ang dumi mo, anong nangyari?"

Sabay namin siyang nilapitan ni Mia. Dugo nga 'yung nakakalat sa damit at kamay niya.

"Yung dog kasi e, ang likot." Sagot nito.

"Anong ginawa mo sa Dog?" Nag-aalalang tanong ni Mia.

"Pinatay ko po." Nakangiti niyang sabi at pumasok na sa sasakyan.

END

🎉 Tapos mo nang basahin ang Programmed Girlfriend (published under PSICOM) 🎉
Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon