Chapter 2

1.9K 73 59
                                    

            Bumili ako ng mga pagkain bago dumeretso sa bahay. Bihira na lang kasi ako mag-grocery dahil ako na lang naman mag-isa. Si Daddy kasi, busy na at may ibang pamilya na sa ibang bansa mula nuong mamatay si Mommy. Pero siyempre, sinusustentuhan naman niya 'ko. Mas gusto ko lang talaga mamuhay mag-isa kesa makisama pa sa bago niyang pamilya.

Wala siya sa living room pagdating ko. Wala din sa kusina, pero naubos niya 'yung mga pagkaing hinanda ko. Sabi ko na nagutom siya e.

"Miss? Miss?" Pagtawag ko habang umaakyat ng hagdan. Baka sakaling nasa kwarto ko siya.

Pagpanhik ko rinig ko na agad ang pag-iyak niya. Nanggagaling ito sa kwarto ko kaya agad akong pumasok. Nakaupo ito sa sulok, nakabalot pa din ng kumot.

"Miss..." Tumakbo ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya. "Anong nangyari? Bakit...?" Tanong ko sa sobrang pag-aalala ko.

"Gusto ko nang mamatay..." Ang tanging sabi niya. Hindi ko maintindihan... "Pakiusap, patayin mo na lang ako..." Nagmamakaawa niyang sabi. Napansin kong may hawak siyang kutsilyo. Marahil kanina pa niya hawak ito, pero hindi niya magawang ituloy.

Inagaw ko ito sa kanya at itinapon sa sahig. "Nababaliw ka na ba? 'Di ba kaya ka tumawag ng tulong nu'ng umagang 'yun kasi gusto mong iligtas kita? Para saan pala ang ginawa ko kung tatapusin mo lang din pala 'yang buhay mo?"

"Hindi mo alam... they want me dead, you have no idea..." Pag-iyak pa niya.

"Then say it! I-explain mo sa'kin para maintindihan ko."

Hindi na 'to umimik pa at mas hininaan na lang ang kanyang paghikbi. Siguro hindi pa talaga siya handa para mag-open up kung anong nangyari. Siguro sobra siyang na-trauma sa kung ano man ang pinagdaanan niya.

"Okay... hihintayin ko na lang 'pag handa ka na." Sabi ko na lang. Ayoko naman siyang i-pressure, baka mas lalo lang lumala 'yung sitwasyon.

"Magluluto na'ko, bumaba ka na lang ha..." Kinuha ko ang kutsilyo in case may gawin pa siyang hindi maganda.

Oo nga pala, kailangan ko nang aralin 'yung RRL namin para sa research. Magagalit si Alice kapag wala siyang nakitang revision o kahit suggestion ko man lang.

Nilapag ko 'yung mga papers sa lamesa habang hinahanda 'yung lulutuin kong fish fillet. Sa tagal ko din namang nakatira mag-isa, naging libangan ko na din ang pagluluto. Naalala kong may mga papers din pala na iniwan si Daddy at related sa current topic namin kaya muli akong umakyat para hanapin 'yun.

Pagpasok ko muli ng kwarto, laking gulat ko nang makita siyang nagbibihis. Agad niyang hinila 'yung kumot para takpan ang katawan niya. Tumalikod naman ako at humarap sa pintuan.

"S-sorry... may kukunin lang sana ako. Anyway, babalik na lang ako." Kinakabahan kong sabi.

"Wait!" Sigaw nito bago ako umalis. "Pwede ko ba hiramin 'yung damit mo?"

"Oo naman... kumuha ka na lang dyan sa closet..." Sagot ko naman at lumabas muna. Phew, that was awkward.

Nasa drawer ko lang kasi 'yung paper na kailangan ko, nagkataon namang masyado akong naka-focus duon kaya hindi ko agad napansin na nasa loob pa pala siya.

Maya maya pa binuksan niya rin 'yung pinto. Suot niya 'yung isang white shirt ko. Maluwag ito sa kanya, loose sa maliit nitong katawan. Ilang beses ko nang sinabi 'to, pero ang ganda niya talaga.

"Sorry..." Tugon niya.

"Ah, hindi... ako nga dapat mag-sorry kasi..." Hindi ko matuloy, nakakahiya naman kasi talaga. "May kukunin lang ako sa drawer... okay lang?" Pagpapaalam ko na para bang hindi ko na kwarto 'yung papasukan ko.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon