Chapter 3

1.5K 67 62
                                    

            Nakaupo siya sa kama habang tinutunaw ko 'yung chip. Ang sabi kasi sa instructions, iinject ko lang ito sa kanya but before that, kailangan muna itong tunawin para maging liquid. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. I have no copy of the consequences or disadvantages of this process so I really have no idea. All I know are the positive ones.

Anyway, if hindi man 'to tumalab sa kanya, much better.

"Ready ka na?" Tanong ko.

Tumango siya na para bang kanina pa niya 'ko hinihintay. I only thought of my Dad's insane invention and now, we're actually using it again. At wala ng ibang masisisi kundi ako kapag may nangyaring masama sa kanya.

Hinawi ko ang kanyang mahabang buhok at tinurukan siya sa leeg. She flinched, but didn't mind the pain. What she's after is the emotion, and not the physical.

Pagkatapos ay hinintay namin kung anong mangyayari, hanggang sa nakakaramdam na siya ng onting hilo. This was not like to my Mom, syempre kasi comatose na siya. She woke up after a day but only her eyes and body did, as if she cannot really function anymore.

"Miss... okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko.

Hindi na siya nakasagot pa at tuluyang nahimatay. I checked her pulse immediately. Okay pa, so medyo nabawasan ang pagpapanic ko. Pero what if hindi na siya magising? What if mabaliktad 'yung nangyari? Kung si Mommy nagising, siya naman tuluyan nang mawala?

I have to calm down.

Inayos ko siya ng higa at kinumutan. "I'm sorry..." was all I said, thinking how pathetic her life must be.

***

"Levi! Bakit hindi ka pumasok kahapon ha?" Naiinis na sabi nanaman ni Alice. Wala yatang araw na hindi siya irritated.

"Sumakit kasi ulo ko..." Pagdadahilan ko.

"Wow, parang sakit ng ulo lang. Kung ako nga e kahit magka-dysmenorrhea kinakaya ko."

"Ahh... kaya pala laging mainit ulo mo." Pabiro kong sagot, nasipa tuloy ako sa binti. "Kaw naman 'di mabiro."

"Che!" Umupo siya para magbasa ulit. "Pupunta ako sa inyo mamaya."

"Ha? Agad agad?"

"Bakit? Ang tagal ko na kayang sinasabi 'to. Tsaka ang sabi mo this week, so anong araw 'yung this week na 'yun. Edi mamaya na! Para mabawas-bawasan na din ang stress ko sa buhay."

"Nababawasan pa ba 'yang stress mo? Palaging mainit 'yang ulo mo." Natatawa kong sabi. Sa sobrang kasungitan kasi ni Alice nagawa ko na lang itolerate e, sanay na rin ako.

"Tigilan mo na Levi ha! Mukha kang ewan. Basta after class, kailangan magawa na natin 'yung power point and ma-practice kung pa'no ip-present 'yun."

"Sus, 'di na pina-practice 'yun."

"Pwede ba Levi 'wag kang mayabang!" Sigaw nanaman niya.

Bigla namang dumating si Samantha, one of her mortal enemies, I think. Natatawa lang ako sa dalawang 'to, lalo pa't tuwing umaga na lang walang ginawa kundi magsagutan.

"Umagang umaga nakaka bad vibes 'yang boses mo." Tugon nito pagkadaan kay Alice at saka dumeretso sa kanyang upuan.

"At least boses lang! 'Di gaya ng iba dyan na umagang umaga puno na ng kati!" Pagsagot pa ni Alice.

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now