Chapter 17

723 39 13
                                    

            If there is something I'm most thankful for at this moment, that is attending a high school reunion and driving at 3 in the morning while drunk.

Kasi iyon ang araw na nakita ko si Mia... ang tanging oras na makapagliligtas sa kanya.

"Mia...Mia!" Paulit-ulit kong sabi habang ginigising siya.

Isang minuto na kasi ang nakalipas mula nang magising ako kaya hindi ko na nakikita kung anong naiisip niya.

"Dad! Why is she not waking up?" Pag-aalala kong tanong. Dapat sabay kaming gumising, ngunit hindi pa din nito minumulat ang kanyang mga mata.

Inalis na ni Dad 'yung mga wires na nakakabit at in-off ang machine. Halata din sa mukha nito ang pagkabahala, marahil ay may nakita siyang hindi maganda sa experiment na ginawa niya.

Maya maya pa ay minulat na din ni Mia ang kanyang mata, ngunit halos hindi ito makapagsalita sa takot. Naghihingalo din itong bumangon at agad na yumakap sa'kin.

"L-levi..." Mahina niyang sabi at tuluyan ng napahagulgol.

Kahit ako mismo napapaiyak na sa masasamang alaala niya... she doesn't deserve such treatment.

"Shh... it's okay... I'm here..." Sabi ko habang hinihimas siya sa likod. It was really a terrible experience for her.

"Levi, aside from the love chip, have you injected another one? It seems like this specimen is killing her cells." Nag-aalalang sabi ni Dad, and then I remembered the mercy killing chip. Iyon lang naman ang huling itinurok kay Mia bago pa siya makatakas.

"I think it's that chip... the mercy killing..." Sabi ko at ihinarap si Mia sa'kin. Alam kong naiintindhan niya ang sinasabi ko.

"I was supposed to die in just two days, but it didn't happen." Dagdag nito at tila isang palaisipan na sa'min kung paano nangyari 'yun, until I realized it could be the love chip's effect.

"The chip you invented Dad, might have prevented her from dying..."

"I know, and it's amazing to think that it actually works." Sagot naman ni Dad habang abala pa din sa mga test tubes niya.

Thank God I used the chip for Mia, kasi dahil duon hindi siya tuluyang namatay.

Calling... Alice

Kinuha ni Mia ang phone ko sa kama at iniabot ito sa'kin. Nakaka-ilang tawag na rin sa'kin si Alice, pero hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang nangyari sa'kin.

"Sagutin mo na, Levi. Baka may importante siyang sasabihin sa'yo." Sabi ni Mia, and she isn't calling me Babe. Marahil ay gawa na din ng mga naalala niya.

Kinuha ko 'yung phone mula sa kanya at sinagot ang tawag.

"Hello, Alice?"

"Levi... tulungan mo ko please..." Naririnig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya.

"Alice? A-anong nangyari?" Pagtatanong ko ngunit ibang boses naman ang sumagot... boses na pamilyar na sa'kin.

"Buti naman at sumagot ka na." Matapang na sabi nung lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali, this guy is Richard.

"Nasa'an si Alice? Anong ginawa mo?" Sagot ko at napatingin saglit kay Mia. Nag-aalala na rin ito at parang gustong malaman kung anong nangyayari. Sumenyas ako na lalabas ako at binuksan ang pinto. Duon muna ako sa tapat ng kwarto nakipag-usap.

Tumawa naman na parang nakikipaglaro lang 'yung lalaki sa kabilang linya. That arrogant jerk.

"Well, I tracked her phone and caught her. Simple as that."

"Bakit mo pa siya kailangang idamay dito?!" Galit kong sabi at halos masira na ang telepono sa sobrang inis.

"Chill dude. Kung sinoli mo na lang kasi sana 'yung fiancée ko, edi sana tapos na ang larong 'to."

"Would you stop saying she's your fiancée? You killed her!"

"Ayun nga ang nakapagtataka e. Bakit hindi pa siya patay." Sagot nito. Kaya pala kung sino-sinong tao ang humahabol sa'min, kasi gagawin niya ang lahat mamatay lang si Mia. Maisip ko lang 'yun gusto ko na rin pumatay e. Gusto kong ipaghiganti si Mia.

"So I'll make a deal with you. Ibalik mo na sa'kin si Aurora, isosoli ko na din 'yung kaibigan mo. Unless hahayaan mo na lang mamatay 'to." Sabi pa niya at pinarinig pa sa'kin ang pag-iyak ni Alice.

"Look, if you hurt her I swear I'm gonna kill you."

"Go ahead. Kill me." Naghahamon niyang sabi. "Nuon pa kita binalaan, Levi Danes. Oo nga pala, dumating na ba sila Tita? Ang alam ko kasi susunduin na nila si Aurora."

"W-what?" Ugh, I can't believe how helpless I am! Wala man lang akong magawa mapagtanggol si Mia.

"Sir Danes? May bisita po kayo." Biglang sabi ng caretaker. Gumilid ito sa hagdan para ipakilala kung sino ba 'yung dumating.

Dahan-dahan kong naibaba 'yung phone pagkakita sa kanila. Mr. and Mrs. Villegas...

"Hi, you must be Levi Danes." Nakangiting bati ng babae. "Dito mo ba dinala ang anak ko?"

Dumeretso siya paakyat at bubuksan n asana ang pinto nang pigilan ko ito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob. Hindi ko alam kung paano nanaman kami nahanap, pero hindi ko pwedeng ibigay na lang si Mia sa kanila.

"Are you seriously blocking my way to see my daughter?" Seryosong tanong nito. Nawala na din ang kaninang ngiti niya. "Pwede kitang kasuhan ng kidnapping sa ginagawa mo."

Labag sa loob kong binuksan ang pinto at tuluyang pinapasok ang mga walang hiyang magulang.

"Aurora... oh how we miss you!" Emosyonal na sabi ni Mrs. Villegas at agad na yinakap si Mia. Sumunod naman ang asawa nito. Parang wala silang kaalam-alam sa nangyari sa kanilang anak.

Halos hindi makatingin si Mia sa kanila. Ngayon na malinaw na sa kanya ang utak ng kanyang mga magulang, pakiramdam ko mas lalo siyang nakaramdam ng takot.

"Are they her parents?" Pabulong na tanong ni Dad. Tumango lang ako at agad na hinila si Mia palayo sa kanila. Rude na kung rude, pero hindi ko hahayaang may mangyari pang masama sa kanya.

Halata sa mukha ni Mrs. Villegas ang pagka-inis, ngunit nakangiti pa rin ito. Psycho.

"Nilalayo mo ba ang anak ko sa'kin, hijo?" Kalmado nitong tanong.

"Aurora, anak? Kararating lang namin ng Mommy mo..." Dagdag ni Mr. Villegas, "Uwi na tayo. 'Wag mo na kami pahirapan."

"Halika na anak, sama ka na sa'min..." Malambing na sabi ng babae and spread her arms toward Mia.

Dahan-dahan namang inalis ni Mia ang kanyang kamay mula sa'kin, at kahit gaano ko pa pigilan ito, lakas loob pa rin siyang lumapit at sumama sa kanila. Just why?

"Very good, my daughter." Wika ni Mrs. Villegas at muling niyakap ang kanyang ampon.

If they were to take her again, what happens now? 

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon