Chapter 19

813 20 7
                                    

            Four days ago after Mia returned to Villega's residence. 12 am.

"Aurora dear? Gising ka pa?" Narinig kong tinatawag ako ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko. Nasa loob lang ako ng banyo, nakatitig sa pregnancy test na ipinatong ko sa lababo.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako at excited dahil positive ang lumabas, but at the same time sad and confused kasi hindi ko alam kung pa'no protektahan ang batang dinadala ko. Lalo pa at ako na lang mag-isa. I can't call Levi now. Sobrang nagulo ko na ang buhay niya.

This time, ako naman dapat ang kumilos. Ako naman dapat ang magprotekta sa magiging anak namin.

"Aurora? I know you're inside. May sasabihin lang si Mommy sa'yo." Muli nitong pakiusap, but I was sitting still and didn't move an inch.

Iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Levi kapag nalaman niya 'to. Will he be happy? Or disappointed kasi iniwan ko siya? Kasi mas pinili kong sumama sa mga taong gusto akong patayin at paglaruan as if nabuhay lang ako para maging character sa story book.

"Aurora?" This time si Daddy naman ang tumatawag.

Bakit ba gising pa sila ng ganitong oras? 12:10 am na. Sampung minuto na pala ako nag-iisip.

"Aurora papasok na kami ha."

Dalawa lang naman ang choice ko e, to kill or get killed.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang dalawang syringe ng sedative. Alam ko kung saan tinatago ni Daddy ang mga gamit niya, kaya madali akong nakapagtabi kahapon. I then pulled the knife I hid behind the hanging mirror.

I opened the door for them while smiling welcomingly.

"Mommy, Daddy. Sorry nakatulog po ako. Ano pong ginagawa niyo dito? Madaling araw na."

"Hay, akala namin kung napaano ka na, dear. O, ayos ka lang ba? You look pale." Madramang sabi ni Mommy at hinawakan ako sa pisngi.

Pumasok na si Daddy at saka nilapag ang tray ng pagkain sa lamesa.

"Gusto ka lang namin bisitahin ng Daddy mo, hindi kasi kami makatulog e. Na-miss ka lang talaga namin." Dagdag pa niya. If only I am back to being the innocent little girl, I might have fallen to her false flattery all over again.

"Nagbake pa ang mommy mo ng muffin. Halika, Aurora. Kumain ka muna." Pagtawag naman ni Daddy. Lumapit ako pagkaabot nito ng orange juice sa'kin.

It's the smell of the killing chip.

Sa dami ng chemicals na naamoy ko sa loob ng laboratory ni Daddy, eto ang pinaka-natatandaan ko. Etong gamot na muntikan na'kong patayin, at ngayon ay hindi malabong muli nilang gamitin.

Nilapag ko 'yung baso ng orange juice at tumangging inumin iyon. "Wala po akong gana, mamaya ko na lang po siguro kakainin 'yung muffin at iinumin 'yung juice."

"Kahit onti lang, Aurora. Nangangayayat ka na o... pa'no ka magiging si sleeping beauty niyan kung ayaw mo kumain?" Pakiusap pa nito at inilapit naman sa'kin 'yung muffin.

"Ayoko pong maging sleeping beauty." Seryoso kong sabi. Eto nanaman ba? Ganu'n ba sila ka-desperadang magkaroon ng patay na anak? So what's the purpose of adopting me? Isa lamang ba talaga akong manika na pwede nilang laruin sa magulo at sira nilang ulo?

Programmed Girlfriend (published under PSICOM)Where stories live. Discover now